Thursday, December 30, 2010

It Has Always Been You: Chapter 11- A Pair Made In Heaven

                Nasa kalagitnaan sila ng discussion nang pumasok si Ms. Kaye sa klase nina Devon.
Ms. Kaye: Good morning class.
Students: Good morning Ma’am.

                Si Ms. Kaye ay ang talent coordinator ng department nila. Nakipag-usap siya kay Mr. Sid, instructor nila sa subject na ‘yon.

Seating Arrangement: Bret, Fretzie, Yen, Ivan, Devon, James

Fretzie: Ano na naman kaya ang meron?
Yen: Baka may competition na naman.
Bret: Oo nga. Ano’ng klaseng competition naman kaya?
Ivan: It’s hard to guess. My babe and James are partners sa dancing at sa kantahan diba? Bret at James, pambato natin sa kantahan sa male category. At syempre, sa female category, ang babe ko ang pambato natin. (hinawakan ang chin ni Devon)
Devon: Nakakahiya, tigilan mo yan huh. (smiled)

                “Stop being so sweet to her Ivan. It doesn’t suit you.”, sabi ni James sa sarili.

                Natapos ang usapan ng dalawang instructor. Nagpaalam na si Ms. Kaye sa kanila at lumabas ng classroom.

Mr. Sid: Class, as you all know, Ms. Kaye is our talent coordinator, so I guess, alam niyo na may mangyayaring competition.
Students: Yes Sir.
Mr. Sid: This time, magkakaroon ng audition every department para sa Singing Contest na ihe-held sa sister school natin, the Gems University. Ang mapipili sa audition ay siyang lalaban holding the name of the university sa “The Singing Duet”. Yes, you heard me right, duet. Ibig sabihin, kailangang may dalawang representative tayo. Alam niyo kung bakit tayo ang sinabihan ni Ms. Kaye?
Students: Yes Sir. (nagsitinginan kina James at Devon)
Mr. Sid: I think pareho tayo ng iniisip. It’s because nandito si Ms. Devon Milano and Mr. James Burgoyne. Pagkatapos ng klase, you are both requested to the P.E Faculty Room, okay?
Devon & James: Yes Sir.

                After 2 hours, natapos na ang klase nila. Nagsitayuan at naglabasan na ang ilang students.

Ivan: Tara na. Baka marami na’ng tao sa restaurant.
Fretzie: Yeah, sabay sabay pa naman tayong nag-dismiss.
Bret: Devs, James, diba pupunta pa kayo ng faculty room?
Devon: Ay oo nga pala!
Ivan: Ok guys, hihintayin ko nalang sila, mauna na kayo sa restaurant.
Bret: Ok, sunod kayo agad huh.
Yen: Bye. (smiled)
Devon: Sige. (smiled)
James: Let’s go.

                Naglalakad sila patungong Faculty Room. Nagpaalam si Ivan na magsi-CR. Susunod nalang daw ito.

James: Devs, sawa na’ko.
Devon: Sawa sa ano? (looked at him)
James: In joining every competition with you. Wala na ba’ng iba? Ikaw kasi palagi ang kasama ko. Nakakasawa na. (looked at her direction and smiled)
Devon: Ah ganun! Sige, I’ll tell Ms. Kaye na hindi ako magpa-participate. (nagkasalubong ang kilay)
James: Uy joke lang! Hindi ka naman mabiro. Haha.
Devon: Ahh, so pinagtatawanan mo’ko? (Sabay hampas sa braso ni James)
James: Ouch! Metal hands again! (hinimas ang nasktang braso)
Devon: Ikaw kasi eh. Haha. (tawa ng tawa)
James: At tumatawa ka pa. Eto’ng sa’yo! (kiniliti si Devon sa tagiliran)
Devon: James, tigilan mo yan. Tatahimik na. (nasabi niyang natatawa pa rin)

                Lingid sa kaalaman nila, may mga matang nakatingin sa kanila.

Guy1: Ano kaya’ng pinag-uusapan nila? Ba’t ang saya nila? May kilitian at hampasan pa.

                Narating na nila ang faculty room. Kumatok si James at pinihit ang siradura. Pumasok silang dalawa at nagtungo sa desk ni Ms. Kaye. Nadatnan nila itong nagsusulat.

James: Excuse me Miss.
Ms. Kaye: Oh, kayo pala, have a seat.
Devon: Thank you po.
Ms. Kaye: Alam na naman siguro ninyo na kayo ang pambato ng department niyo.

                Tumango lang ang dalawa.

Ms. Kaye: Tomorrow ang audition at 3pm sa gymnasium. May klase ba kayo niyan?
James: Wala po. Hanggang 2pm lang po ang klase namin.
Ms. Kaye: Good. May napili na ba kayo’ng kanta?
Devon: Eh miss, hindi pa po namin napag-uusapan eh.

*************************

                Habang nasa CR si Ivan, tumunog ang phone niya, 1 message received.

Guy: Dude, I saw your girl with another guy. Bakit ang sweet nila? Is she cheating on you? Mag-ingat ka dude. Baka niloloko ka lang ng babaeng ‘yan. In the first place, I don’t like her for you.

                Nang mabasa ni Ivan ang message, parang kinukorot ang puso niya. Alam niyang magkasama sina Devon at James. “Bakit nasasaktan ako whenever James is around her? I trust James, hindi ko masasabi na he likes Devon. Pero si Devon, I can feel that she likes being around with James than me. I hope nagkakamali lang ako.”

*************************

James: Eh kung ‘Two Is Better Than One’ nalang kaya kantahin natin?
Ms. Kaye: Good choice. (tumango-tango siya)
Devon: Oh sige na nga. Miss, yun nalang po.
Ms. Kaye: Okay. The competition will be next month. It will be held at Gems University, alam niyo naman diba na sister school din natin iyon?(smiled)
James: Yes miss. Don’t worry po, we won’t let you down. Sige po, mauna na kami. May nagugutom na kasi rito eh. (tumingin kay Devon)
Devon: Uy hindi ah! Kaw talaga.
Ms. Kaye: Kayo talaga’ng dalawa. Para sa’kin, you’re a pair made in heaven. Magka-partner nalang kasi kayo lagi eh. (smiled)

                Nagulat ang dalawa sa sinabi ni Ms. Kaye.  James is observing Devon’s reaction. Ngumiti lang si Devon.

On their mind,
James:  “Gotcha! Why do you look being awkward? Haha. I know Devon, there is something. Haha.”
Devon: “Gosh! A pair made in heaven? Grabeh naman. Kaloka ka Ms. Kaye.”

Devon: Bye miss. Thank you. (smiled)

Lumabas na sila ng faculty. Nadatnan nila si Ivan na naka-upo sa stairs.

Devon: Tara na. (yaya kay Ivan)
James: Kasi nagugutom na siya. (smiled)
Devon: Hindi nga. Kasi naghihintay na sila sa’tin! (hampas sa braso)
James: Ouch again. Nakakarami ka na huh. Dude, you should handcuff her. Palaging nananakit. Haha.
Ivan: Oo nga eh. Harmful na sa mga tao. Haha.
Devon: Ano naman’g tingin niyo sa’kin? Asong ulol? (crossed arms)

                Nagtawanan lang ang dalawa sa sinabi ni Devon.

Devon: Ah ganun. Sige lang, magkampihan kayo. (naglakad ng mabilis, iniwan ang dalawa)
Ivan: Babe! We’re just kidding. (ran to catch up with her)

                Nagkukulitan silang dalawa ni Ivan. Kahit papano, natutunan na din niyang mahalin ang binata gaya ng ginagawa nito sa kanya. Natatawag niya na din itong ‘babe’ nang walang pagka-asiwa.

Devon: “Keep it up Devon. Hindi ka na naaasiwa pag andyan siya. Bakit ba kasi hindi mo maalis si James sa puso mo?!”

                Nakita ni James ang kulitan nina Ivan at Devon dahil nakasunod siya sa dalawa. Nahihirapan man, parang nasanay na ata siya sa ganung mga tagpo.

James: “A pair made in heaven? Galing mo Ms. Kaye! But sad to say, hanggang sayawan at kantahin nalang kami, kasi may nagmamay-ari na ng puso niya.”
_________________________________________________________________________
WM: Sorry kasi super duper tagal ng kasunod. Anyways, sino kaya ang nag-text kay Ivan? Hmmm.. hulaan niyo nga.. Abangan ang next chapter bukas.. Hope you enjoyed.. :)

No comments:

Post a Comment