Wednesday, January 12, 2011

It Has Always Been You: Chapter 17- Endearments

NOTE: Ang mga italicized words po eh yun po yung sinasabi nila sa ISIPAN nila. Dami po kasing konsensya na sumisingit dito sa chapter na’to eh. Baka po malito kayo. Hehe. Enjoy reading! J
__________________________________________________________________________________

Tricia: So Pat, anong plano mo ngayon?
Patrick: I’ll let Devon enjoy Ivan’s company. Let her savor the moment. (smiled)
Tricia: Kahit nasasaktan ang pinsan mo? Know what? Bakit hindi nalang ako ang mahalin niya?
Patrick: First, ganti ko na rin yan sa kanya. He’s the family’s favorite eh, and it irritates me. And at the first place, why did you tell them that we’re dating?
Tricia: Napaka-awkward naman kasi ng situation natin, baka sabihin nila sinusundan natin sila. So, I joined your game. Eh ikaw, ba’t ka naman sumakay?
Patrick: Well, I just thought you and I will be a good team. (smiled)

                Ngumiti lang din si Tricia sa kanya. Patrick kissed Tricia harshly, and to his surprise, she responded. After almost 2 minutes, bumitiw si Patrick.

Patrick: That was good. (smiled)
Tricia: Why did you kiss me?
Patrick: To establish a good working relationship?
Tricia: Okay, I’m in. (smiled)
Patrick: Bakit? May galit ka din ba kay Devon?
Tricia: Hindi naman, kasi hindi ko maintindihan kung anong nasa babaeng ‘yan at maraming nagmamahal sa kanya. First, si Ivan, second, all of her friends and that includes James, I like him kasi eh. Pero noon ‘yon. And now, yung bestfriend niyang si Sam, who love her since childhood.
Patrick: Well, try to be nice sometimes, so that you can earn friends. Haha.
Tricia: Look who’s talking? Ikaw nga dyan eh, wala kang friends sa school. And I’ll never be like her noh, hindi kami magka-level.
Patrick: Yeah I know. You’re much better than her.

                Pagkasabi niyon, hinalikan na naman niya si Tricia. A rough kiss that lasted for minutes.
____________________________________________________________________­­­­­­_________

WM: Sorry kung ang sasama ng characters nila dito ah, sorry sa mga fans nina Patrick and Tricia, wala na kasi akong ibang maisip para maging villain. Sorry talaga.. Anyways, back to the story..

                Pagkatapos nilang kumain ay nagyaya si Bret na maglaro ng arcade. Pero imbes na sa mall magpunta, dumiretso sila sa bahay ni James. Mag-isa lang kasi ito sa bahay dahil nasa Australia ang mga magulang nito para asikasuhin ang business nila doon. Ang mga kasambahay naman niya ay kasalukuyang nag-grocery kaya solong-solo nila ang bahay. Nagpaalam si Devon kay James kung pwede isama si Sam at labag man sa kalooban niya, wala naman siyang nagawa kundi umo-o. Hinding-hindi niya matatanggihan ang dalaga. Nag-billiard ang mga lalaki at sina Fretzie at Devon naman ay naghanda ng meryenda.

Bret: Hey Sam! You said you and Devon are bestfriends since childhood.
Sam: Yeah, why?
Bret: Nothing, just wonderin’ what she’s like. Hehe.
James: Yeah, was she always smiling and laughing like what she always does?
Sam: Yeah, she’s really bubbly and cheerful in nature, despite the tragedy that happened.
Ivan: Tragedy? What tragedy?
Sam: When her parents died.
James: What?! Her parents are already dead? (eyes widened) “Kahit sa’kin hindi yun nasabi ni Devon.”
Bret: Yeah, hindi namin alam yun ah!
Ivan: Really? She’s my girlfriend but I don’t know that.

Sam: Huwag na kasing ipagdiinan na gf mo siya.
James: Do you really have to say that detail? Tsk.

Sam: You didn’t know?  Hindi niya nasabi sa inyo? “Ano ba naman iyan?! Hindi niyo alam?”
Ivan: We just know that her Tita sends her to school. She took care of her because her parents are not around.
Bret: Yeah, but we didn’t know that they died.
James: How did they die?
Sam: It happened when we were still 10 years old. Her parents died because of a car accident. Nabangga ng dump track yung kotse nila na lulan ang parents niya. So her Tita adopted her and went here in Manila, kaya kami nagkahiwalay ni Tots.

Ivan: Pwede naming banggitin ang pangalan eh, bakit kelangan Tots? Buti nalang may tawagan din kami.
James: Devon’s the name dude. Not Tots.

Bret: How tragic naman pala. She’s so young when her parents died. Ivan! Di mo alam yun?
Ivan: Hindi nga. Same to you. I wonder if alam ni Fretzie.
James: Baka hindi rin.

                Naputol ang diskusyon nang pumasok sa kwarto ang mga dalaga.

Fretzie: Meryenda is ready! (smiled sabay lapag ng tray ng juice)
Devon: Oh, ba’t parang tulala kayo dyan? (sabay lapag ng tray ng cupcakes)
Ivan: Nothing babe. Let’s eat na.

                Kumuha na ng pagkain at inumin ang lahat. Nahalata ni Fretzie na sumusulyap-sulyap si Sam at James kay Devon. Siniko niya ang kaibigan pero busy yata ito sa pagkain. Pagkatapos nilang kumain, naglaro pa ng isang round ng billiards ang mga lalaki at napagpasyahang umuwi na din dahil gumagabi na. Nagpaalam sila sa isa’t-isa. Nagpati-una sina Ivan at Bret para ihanda ang kotse nila. Si James naman ay nakatayo lang sa may pintuan ng bahay niya. HIningi ni Sam ang cellphone number ni Devon.
Sam: Tots, pwede hingin phone number mo? Para naman textmate tayo! Haha.
Devon: Haha. Ikaw talaga Tots. Sige save mo. 09332567425.
Sam: Okay. Thank you Tots. (hinalikan si Devon sa cheeks)

                Hindi nila alam na may mga matang nakatigin sa kanila.

Ivan: Tsk. Why did you kiss her dude?
James: What the! How dare you kiss her in front of me!

                Matutulog na sana si Devon nang sunod-sunod na tumunog ang phone niya. 4 messages received.

Sam: Gud evening tots! Nakauwi ka na ba? 2log ka na ba? Miss you.. J
Ivan: Hi babe! Sleep tyt..and may u dream of me tonyt.. J
James: Devon, did you get home safely? Are you already asleep?
Fretzie: Devon! Haba ng hair mo. Napansin q kanina na tinitingnan ka nina James at Sam. Ano kayang meron sa 2 na yon? Sorry nlng sila, may Ivan ka na..hahaha

                Nalilito siya kung sino ang unang rereplayan. “I guess I’m gonna rate them according to their importance. Importance? Ang sama ko naman. O sige, kung sino nalang ang pinaka-love ko. Hehe”

                Namalayan nalang niya na una niyang nireplayan si James, sunod si Fretzie, tapos si Sam at panghuli si Ivan.

To James: I got home safely James, hinatid kasi ako ni Ivan. I’m in bed now. Gud nyt! J
To Fretzie: Wat r u talking abwt? Kaw talaga. Itulog mo nlng yan huh! Hehe.
To Sam: Hi tots! Yeah, I’m home na..kaw? nkauwi ka na? miss me? Eh kanina lang tayo nagkita ulit ah! Kaw talaga..hahaha
To Ivan: Hi babe. I’m gonna sleep na. Tired na ako eh. Sleep tyt too! J

                “Hala! Last si Ivan? What am I thinking?” Pumikit na siya nang biglang tumunog uli ang phone niya. 2 messages received.

James: Ok.. I’m feeling much better now. Tulog ka na. Maaga pa tayo bukas...gud nyt.
Sam: Yeah, I’m home too. Sleep ka na..may class pa tayo bukas. Gud nyt! J

                Hindi na siya nag-reply dahil napagod din siya sa araw na iyon. Si James naman, eh hindi makatulog. Iniisip niya kasi ang mga nangyari sa araw na iyon. “Ivan is calling her babe. Sam is calling her Tots. What am I gonna call her? Hmmm. Think James, think! Hindi ako papayag na wala kaming tawagan ni Devon. Hmmm. Ah! I know it!”

Kinabukasan, nauna sa classroom na si Devon. Papasok na si James ng classroom.

                “Yes! Nandito na siya. And I’m lucky Ivan is not yet around.”

James: Good morning Partner! (sabay akbay kay Devon)
Devon: Partner?! (sabay lingon kay James)
__________________________________________________________________________________
WM: Sorry sa delay Gems huh. Sobrang busy lang kasi sa school. Pagpasensyahan niyo po sana ang chapter kung hindi masyado maganda. Ano tingin niyo sa tawag ni James kay Devon? Okay lang ba?...haha..sorry, wala na akong ibang naisip. Comments are highly appreciated Gems. Hope you liked it. J

2 comments:

  1. partner jud? kang mae ug dan mana.hahaha.

    ReplyDelete
  2. ..haha..xori na gud..wa naq lain na-huna2-an..haha..yaw lng saba nila dan ug mae.. :)

    ReplyDelete