Wednesday, January 12, 2011

It Has Always Been You: Chapter 18- Ivan's Secret

NOTE: Ang mga italicized words po eh yun po yung sinasabi nila sa ISIPAN nila. Dami po kasing konsensya na sumisingit dito sa chapter na’to eh. Baka po malito kayo. Hehe. Enjoy reading! J


Devon: Partner?! (gulat na gulat niyang sabi)

                Nakangiti lang ng pagkatamis-tamis itong si James.

Devon: Partner?! Kelan mo pa ako tinawag na partner? “Ohwemgee! Ano meaning ng partner? Partner in life? Sana ganun. Hay naku Devon, nangangarap ka na naman ng gising!”
James: Yeah, I’ll call you partner from now on. (smiled)
Devon: Ganun? What were you thinking at bigla mo ‘kong tinawag na partner?
James: Wala lang. I just thought that everybody is calling you differently. So I also thought of calling you other than your name. (smiled and sat on his seat)
Devon: Not everybody. Si Bret and Fretzie, they still call me Devon. “So nagseselos ka na tinatawag akong ‘babe’ ni Ivan, at ‘tots’ ni Sam?..”
James: Ah basta, from now on, partner na tawagan natin. Okay? “Please agree, my partner in life.”
Devon: Umo-o ka na Devon, besides gusto mo naman diba? Aminin mo, kinilig ka!
Devon: Okay, sige na nga! (smiled)
James: Yes! Thank you partner! (smiled)
Devon: Stop smiling like that! Lalo lang akong nai-in love eh!
James: Salamat naman at pumayag siya. HInding-hindi ako papatalo sa inyo Ivan at Sam. Haha.

                Naabutan sila ng kanilang mga kaibigan na nagngingitian.

Yen: Uy, ano nangyari sa inyong dalawa?
James: Nothing. (smiled)
Bret: Nothing? Care to explain that beautiful smile of yours? Haha.
James: Whatever dude. (smirk)
Bret: Don’t tell me whatever dude! I know there’s something fishy going on.
Fretzie: Hay naku, tama na nga ‘yan. Devs, nabasa mo text ni Ivan?
Devon: Huh? Oo nga pala, tumunog phone ko kanina. Wait lang.

                Tumunog ang phone ni Devon kanina pero hindi niya na natignan dahil dumating si James at npasarap ang kwentuhan nila. Nakalimutan niya ang phone niya nang dahil kay James. Binasa niya nag text ni Ivan.

Ivan: Babe, absent aq 2day. Nilagnat kac aq eh and sumakit ulo q. Sorry huh, walang maghahatid sau. L

Devon: Sabi niya mag-a-absent daw siya ngayon kasi may lagnat siya at sumakit daw ulo niya.
Yen: Gaano kaya kataas ang lagnat niya? Sana okay lang siya.
Devon: Teka, rereplayan ko lang.

                Nag-reply siya kay Ivan. Ang mga kaibigan naman niya ay umupo na sa kanilang designated seats. Ang hindi alam ni Devon, may nakamasid sa kanya.

James: Why are you so worried Devon. It’s only fever. Sige, I’ll forgive you for now Ivan, kasi may sakit ka.

TEXT CONVO

Devon: Babe? Ano temperature mo?..rest ka ng mabuti huh and don’t forg8 2 drink ur medicine. Don’t worry abwt me, nand2 naman cla eh.
Ivan: 38.7 lng naman babe. So sorry babe. I’ll make 8 up 2 u tomorrow.
Devon: Don’t say 38.7 lng naman, ang taas na nyan huh. Don’t mention 8. Im rily ok. Don’t worry.
Ivan: Haha, usual sa’kin ang fever na ganyan. Thnx babe. I love you! J
Devon: No prob babe. Love u 2. Cge rest ka na, u need a lot.
Ivan: Ok, thnx agen.

END OF TEXT CONVO

James: Partner! Ano sabi ni Ivan?
Fretzie: Partner?! Kelan mo pa tinawag si Devon na Partner?
James: Just now. (ngumiti ng nakakaloko)
Bret: Wow, may tawagan nap ala kayo ngayon. (smiled) “Siguro nagseselos to kasi may ‘babe’ at ‘tots’ si Devon, good move James! Haha”
Fretzie: Devs, care to explain? “So nag-isip ka talaga ng itatawag kay Devon. Kaw talaga James. Haha”
Devon: Ewan ko nga dyan Fretz. Bigla nalang akong tinawag na partner.
Yen: Yan na pala tawagan niyo ngayon?
James: Yeah, from now on, we call each other  ‘Partner’. (smiled)
Bret: Buti wala si Ivan, kung hindi..
Fretzie: Kung hindi, hindi ka magiging ganyan ka-confident na tawagin siyang ‘partner’.
Yen: Oo nga. Pasalamat ka at wala si Ivan. (smiled)

                Nagsimula na ang klase nila. Hindi na agad nag-text si Ivan sa kanya o kahit isa sa kanila. Na-miss niya kaagad ang sweetness ni Ivan, pero buti nalang at nadyan si James, siya ang pumupuno sa sweetness ni Ivan. Nagte-text din si Sam sa kanya. Pero kinabahan siya sa isang text ni Sam.

Sam: Tots, mag-uusap pa tayo huh. Were not done yet.

*********************************************

                Nagpunta si Ivan sa ospital. Kinausap niya ang family doctor nila, si Dr. Cheung. Isa ito sa pinakamatalik na kaibigan ng mga magulang niya.

Ivan: Doc, ano na kalagayan ko?
Doc: Ivan, lumalala na ang kondisyon mo, kelan mo pa sasabihin sa parents mo ang kalagayan mo? Kung kelan huli na ang lahat? You can’t do this to them. Thay have the right to know.
Ivan: I know Doc, sorry that dinamay kita dito sa kalokohan ko. But trust me on this one, sasabihin ko rin naman sa kanila on the right time.
Doc: And when do you think is the right time?
Ivan: Please Doc, ako na bahala magsabi sa kanila. They’re too busy, hindi ko gustong dumagdag sa mga iniisip nila.
Doc: You better tell them ASAP. Hindi basta-basta ang sakit mo Ivan. It’s life-threatening.
Ivan: I know Doc, and I’m really sorry for dragging you in this. Ayoko lang talagang may maka-alam na may sakit ako.
Doc: Well, what can I do? That’s your request. Just don’t forget that I’m ready to give you the treatment that you need.
Ivan: Doc, alam mo naman diba na I stopped taking treatments months ago?
Doc: Yeah, but it’s not yet too late. Makakahabol ka pa sa therapy mo.
Ivan: No Doc, I refuse. Thank you for your help.
Doc: Okay, don’t forget to tell your parents about your condition okay? Kung hindi, mapipilitan talaga akong sabihin sa kanila ang totoo. They love you so much Ivan, you’re the only son that they have.
Ivan: Kaya nga ayokong sabihin sa kanila Doc eh, kasi baka atakihin si Dad.
Doc: Don’t you think you’re being selfish, Ivan? Lalo lang siyang aatakihin kung malalaman niya na lang bigla na naka-confine ka na dito sa hospital. Mas lalo silang masasaktan kung makikita ka nila on the last year or month or weeks or days of your life. Sisisihin nila ang mga sarili nila dahil wala silang nagawa para tulungan ka. It’s been a year since na-diagnosed ka with that illness, and then you stopped taking treatments 3 months ago. Ngayon, sinusumpong ka na. (napakahabang sermon ng doctor sa kanya)
Ivan: I know Doc, okay, sasabihin ko na po sa kanila.
Doc: Sorry dahil nasermonan kita ng ganyan. Concerned lang talaga ako sa’yo and sa parents mo. You know, they’ve been my friends since our college years.
Ivan: Alam ko Doc, you treat each other siblings na nga eh. (smiled)
Doc: I salute you for being like that Ivan, nakakaya mo pa rin ngumiti despite the trials.
Ivan: Namana ko yata ‘to kay Dad. Haha. Sige na po Doc, may ibang pasyente pa’ng naghihintay sa inyo.
Doc: Okay, but I tell you Ivan, ako talaga ang magsasabi sa parents mo kung hindi mo pa sasabihin sa kanila. Take care, okay?
Ivan: Salamat Doc.

                Pagkalabas niya ng ospital, umuwi siya sa bahay at nag-iisip kung paano niya sasabihin sa mga magulang ang kalagayan niya. “Bahala na, ang importante, nasabi ko sa kanila ang totoo.” He dialled his Mom’s phone number at nag-ring iyon.

CALL CONVO

Mommy Eva: Hello? Son? Bakit napatawag ka? I miss you my baby.
Ivan: Hello Mom, I miss you too. May sasabihin po akong importanteng-importante po.
Mommy: Ano iyon anak? May problema?
Ivan: *huminga ng malalim* Mom, I have Leukemia.
Mommy: What?! Son, that’s not a funny joke, okay?
Ivan: Mom, you know me, sweet ako pero hindi ako joker. And I’m not kidding this time. Iyon po ang totoo.
Mommy: Kailan pa anak? (rinig ni Ivan ang pag-iyak ng mommy niya)
Ivan: I was diagnosed with Leukemia a year ago Mom.
Mommy: A year ago? Bakit ngayon mo lang sinabi sa’kin? (humahagulgol na ang mommy niya)
Ivan: I’m sorry for being selfish Mom. Ayoko lang malaman niyo that I’m sick, madi-disappoint lang kayo sa’kin. Stop crying, mas lalo po akong nagi-guilty.
Mommy: No, kahit kailan anak hindi kami madi-disappoint ng Daddy mo sayo. And how can I stop crying when I know that my son is sick. (humahagulgol pa rin)
Ivan: Mom, stay calm. Nandito pa naman po ako eh.
Mommy: Yes anak and you will stay for a long time. Okay?
Ivan: Okay Mom.
Mommy: Pagdating ng Daddy mo, I’ll tell him your condition okay? And uuwi kami dyan sa Pilipinas.
Ivan: Okay Mom, bye for now.
Mommy: Okay anak. Expect us there tomorrow or the next day.
Ivan: Sige po, I love you Mom.
Mommy: *napaiyak ulit, kahit kalian, he never fails to say ‘I love you’ sa kanila ng daddy nito whenever he calls* I love you so much my son.

                Pinutol na ni Ivan ang tawag. He felt relief dahil nasabi na rin niya ang totoo sa parents niya. Para siyang nabunutan ng tinik.
_________________________________________________________________________________
WM: Gems, so sorry kung napakatagal kong mag-update. Sooobrang busy sa school. Hope you understandL. Anyways, pasensya na kayo if hindi masyadong maganda. Ano kaya magiging reaksyon ng barkada kung malaman nila ang sakit ni Ivan? Malapit na po matapos tong ff ko. So sana i-follow niyo po bawat chapter.. Salamat Gems.. comments are highly appreciated.. J

3 comments:

  1. sabi ko na nga eh pag sabi pa lang abt dun sa lagnat alam ko na that there's something wrong... naiyak naman ako sa convo ni ivan & mom nya... anong pagbabago kaya mangyayari sa barkadahan nila becoz of this???

    ReplyDelete
  2. Can't wait for the next chapters

    ReplyDelete
  3. NEXT CHAPTER NA PLEASEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete