Thursday, February 10, 2011

It Has Always Been You: Chapter 20- Freedom

October 20, 2010

Sa Hopeful Medical Center…

                Nakahilata sa kama si Ivan. Nanghihina na si Ivan sa kalagayan niya. Sinabihan na rin siya ng doctor na he has only few months to year left to live. At tanggap na niya iyon.

Mommy Eva: Son, have you told Devon about your situation? Bakit hindi ka niya binibisita?

                Kahit hindi sila nagkita ni Devon, alam na alam niya ang malaking pagmamahal ng anak sa dalaga. Palagi kasing kinukwento ni Ivan sa kanya kung gaano kabait, kaganda at ka-talented ang nobya. At nagpapasalamat siya dahil nakakita ang anak ng mamahalin at ng magmahal din sa kanya.

Ivan: I was supposed to tell her but I was rushed here in the hospital. One week na ako dito hindi ko pa rin siya tinatawagan. Ewan ko mom, I don’t want her to know what’s happening to me. She always calls me, but I refuse to answer. I’m not ready yet.
Daddy William: Well you should Son. Kelan ka pa magiging ready? Better tell her the soonest the possible.
Ivan: Pero paano kung hindi niya matanggap ang kalagayan ko Mom? What if she leaves me?
Mommy: Kung mahal ka niyang talaga, hindi ka niya iiwan anak. Unless kung nagdududa ka sa pagmamahal niya.
Ivan: No Mom. I know she loves me, the way I love her.

                Nasasaktan siyang itago ang totoong nararamdaman. Alam niyang napilitan lang si Devon na sagutin siya, oo, alam niya. Sinabi sa kanya ni Patrick. Alam niyang hindi masyadong mabait ang pinsan pero hindi magagawa nitong lokohin siya kung alam nitong masasaktan siya.
Ivan: Okay Mom,Dad, I’ll call her now. (inabot niya ang phone sa bedside table niya)

                He dialed Devon’s number and it rang.

************************************

                Napalaki ang mga mata ni Devon nang malaman kung sino ang tumatawag.

Yen: Sino yan? Ba’t parang gulat na gulat ka?
Devon: Si Ivan. (pinindot ang answer button at nagsalita)

PHONE CONVO

Devon: Hello? Ivan? Babe? Nasaan ka? (nagsimula na siyang umiyak)
Ivan: Hey babe, ngayon lang ako tumawag, umiiyak ka na. (pagak na tumawa)
Devon: Babe. I miss you. I really really do. Bumalik ka na please. (iyak pa rin siya ng iyak)
Ivan: I can’t go to school babe, I’m in the hospital.
Devon: What hospital? Pupuntahan ka namin dyan.
Ivan: Hopeful Medical Center. Room 543. I have something to tell you.
Devon: Okay. We’re on our way.
Ivan: No. I still want you to attend the class.
Devon: Walang pasok ngayon. We will be there in a minute okay?
Ivan: Okay. I love you babe. (hindi niya na rin napigilang umiyak)
Devon: I love you too babe. I really do. (lalong napaiyak)

END OF PHONE CONVO

Fretzie: Ano sabi Devs?
Devon: Nasa ospital siya. Pinapapapunta niya tayo dun. May importante daw siyang sasabihin.(pinahid ang mga luha)
Bret: What hospital?
Devon: Hopeful Medical Center, room 543.
James: Let’s go. Let’s not waste time. Partner, Yen, sakin na kayo sumabay.

                Tumayo na sila sa kinauupuan at nagtungo sa parking lot ng campus. Nakasakay sina Devon at Yen sa sasakyan ni James. Si Fretzie naman kay Bret. Halos umiiyak lahat ng babae habang kinakabahan naman ang mga lalaki.

Yen: Please stay strong Ivan. Mahal na mahal kita. And I think I can’t afford to lose you.
Devon: Wait for me Ivan. I have something important to tell you too. Sana mapatawad mo ko. I’m really sorry. I didn’t mean to hurt you like this.I love you.
Bret: Pakatatag ka dude. Huwag ka’ng mang-iwan. You’re too young to die.
Fretzie: You’ve been a very good friend Ivan. You don’t deserve this.
James: You may be my greatest competitor but I wan’t you to be alive. Hang on dude!

                Narating na nila ang ospital. Agad nilang tinungo ang kwarto ni Ivan. Nagpatiuna si Devon sa pagbukas ng pinto at tinungo ang kama ng kasintahan. Hindi alintana ang presensya ng ina at ama ng binata. Napahagulgol siya sa nakitang sitwasyon ni Ivan. Napaiyak na rin ang mga kaibigan niya nang makita ang lalaki. Nakapikit ito, tila natutulog. Nagising ito nang may marinig na iilang hikbi. Nagmulat siya ng mata.

Ivan:  Babe. You all came. (smiled weakly)
Devon: Ivan! (niyakap ang binata)
Ivan: Hey. Why are you crying?
Devon: I don’t like to see you like this.
Mommy Eva: Ehem! Ehem!
Ivan: Mom, Dad, this is Devon, my girlfriend, they are Yen, Fretzie, James and Bret, my friends. (sabay turo sa mga kaibigan)
All: Hi po Tita, Tito.
Mommy: Hi din sa inyo. Buti naman nakapunta kayo. At last, nakilala na rin kita iha. (sabay yakap kay Devon)
Ivan: She’s beautiful right Mom, Dad?
Daddy: Oh she is iho. She is. (niyakap din ang dalaga)
Devon: Sorry Tita, Tito ngayon lang kami nakapunta.
Mommy: It’s okay iha. Don’t bother. (smiled)
Ivan: Kumusta na kayo? I’ve missed you all.
Bret: We’ve missed you too dude. Hindi kumpleto ang barkada dahil wala ka.
Yen: Oo nga. It has never been the same if you’re not around. Kaya ikaw, magpagaling ka na agad para makasama ka na sa amin. (pilit na ngumiti kahit alam niyang imposible ang sinabi niya)
Ivan: Sorry huh.
Fretzie: Don’t be. (napaiyak then smiled))
Devon: Wala kang kasalanan Ivan. (hinawakan ang kamay ng binata)

                Tahimik lang si James na pinagmamasdan ang kaibigan. Parati man siyang inis dito, isang tunay na kaibigan parin ang turing niya dito.

Ivan: Mom? Dad? Guys? Mind if I talk to Devon privately?
Mommy: Not at all iho.
Bret: Dito lang kami sa labas dude.

                Lumabas na sila at iniwan ang dalawa. Nagsimula na namang umiyak si Devon.

Ivan: Don’t cry babe. It’s hurting me to see you cry because of me.
Devon: I’m sorry Ivan. I’m so sorry. (napahagulgol na naman siya)
         : May ipagtatapat ako sayo. I hope mapatawad mo pa ako.
Ivan: Kahit ano pa yan babe. Mapapatawad kita. Go on, I’ll listen.
Devon: Sorry Ivan. Niloko kita. I love you but not as my boyfriend, but as a brother. Nagawa ko lang iyon para hindi ka mapahiya sa harap ng mga tao. Please forgive me. And please believe me, mahal kita. Pero hindi lang sa paraan na gusto mo. Please forgive me. (hinawakan ang kamay ni Ivan at inihaplos sa mukha niya)
Ivan: (tumawa ng pagak) I know Devon. (smiled)
Devon: What?
Ivan: I know. Since then, alam ko na naman na you only love me as your brother pero nagpaka-selfish ako. Ginawa ko iyon sa harap ng maraming tao para wala kang choice kundi sagutin ako. Ako dapat ang humingi ng sorry dahil sa ginawa ko. (napaiyak na rin siya)

                Nagulat man sa sinabi ni Ivan, hindi niya magawang magalit sa binata. After all, she already learned to love Ivan. Pinahid niya ang mga luha ng binata.

Devon: I forgive you. Forgive me too? (smiled)
Ivan: I do. (smiled)

                Tumayo si Devon at niyakap ang binata. Nanatili sila sa ganoong posisyon ng ilang minuto.

Ivan: May iba pa pala akong sasabihin sayo Devon. About my illness. I have leukemia, and I only have few months to live.
Devon: That can’t be true. Few months? Why so short? (tumulo na naman ang luha niya)
Ivan: I stopped taking chemotherapies years ago. I just accepted my destiny. If I die today, tatanggapin ko ng maluwag sa aking puso dahil nasabi ko na sayo ang mga bagay na gusto kong sabihin.
Devon: No. Don’t say that Ivan. Live. Live for your mom and dad. Please.
Ivan: Tanggap na ni Mom and Dad ang kalagayan ko. We already talked things. Handa na sila sa kung anumang pwedeng mangyari.
Devon: I feel so guilty. I made you do all those stupid things before. (napaiyak na naman)
Ivan: No, don’t be guilty Devon. If anything, you only made me live longer. (hinawakan ang mukha ni Devon)
Devon: Tandaan mo lang lagi huh na nandito lang kami para sayo.
Ivan: But you should go on with your life Devon. Be with the one you truly love. Be with James.

                Nagulat si Devon sa sinabi ni Ivan. Nakita naman nito ang gulat sa mukha niya.

Ivan: Yes, be happy with James Devon. I’m setting you free.
_________________________________________________________________

WM: I hope nagustuhan niyo po ang chapter na to. Xensya na if hindi maxadong maganda. Comment po kayo. =)

No comments:

Post a Comment