Sunday, February 20, 2011

It Has Always Been You: Chapter 28- Hindrances

PHONE CONVO

Devon: Hello, Tita Carmie?
Tita Carmie: Hello? Sino to?
Devon: Si Devon po ito.
Tita: Oh Devon! Ang tagal mong hindi tumawag ah! Kumusta ka na?
Devon: Okay lang naman po. Ahm, auntie, may sasabihin po kasi akong importante.
Tita: Ano yon? May problema buh anak? (nataranta nitong sabi)
Devon: Wala po auntie, okay lang po ako. Good news po.
Tita: Ahh, ganun pala. Ano yan anak?
Devon: Auntie, ikakasal na po ako!
Tita: Huh?! Naku! Congratulations anak! I’m so happy for you.
Devon: Auntie, kung okay lang po sa inyo, pwede po bang kayo ang maghatid sakin sa altar? Wala na po kasi akong ibang kamag-anak maliban sa inyo eh.
Tita: Aww Devon.. Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya na ihatid ka sa dambana. Syempre!  Kelan buh yan at nang maka-uwi ako dyan?
Devon: Talaga po?! Salamat po talaga auntie! Sa June 3 po. (tuwang-tuwang sabi niya)
Tita: Okay, uuwi ako ng May. At nang makilala ko yang mapapangasawa mo.
Devon: Sige po, thank you po talaga! Bye!
Tita: Sige anak, bye!

END OF PHONE CONVO

                Inibalita na ni Devon kay James at sa mga kaibigan ang pag-uwi ng tita niya at tuwang-tuwa naman ang nobyo. Tinawagan na rin niya ang mga magulang at uuwi daw ito next month para makapag-bonding sila ni Devon.

                Inasikaso na nina James at Devon ang kasal nila, syempre tumutulong pa rin ang mga kaibigan nila. 1 month later, dumating ang mga magulang ni James at maglu-lunch sila sa beach. Pinasama na rin ni James ang mga kaibigan nila. Sina Bret at Sam ay nag-gri-grill ng baboy, sina Yen at Fretzie naman ay nagpaalam na pupunta ng CR. Habang sina James at Devon ay nakatampisaw sa tubig. Ang mga magulang naman ni James na sina Mommy Beth at Daddy Malcolm ay nag-uusap ng masinsinan.

Mommy: Dad, natatakot ako.
Daddy: Natatakot saan?
Mommy: Diba sabi ni Devon na uuwi ang tita niya para sa kasal niya? Dad, uuwi si Carmie at magtatagpo na naman ang landas natin ni Carmie! (paiyak niyang sabi)
Daddy: Shhh. Kumalma ka lang mommy. Baka naman by this time eh napatawad na niya tayo.
Mommy: Eh panu kung malaman ni Devon? Tiyak na magagalit siya sa atin at baka hindi na niya ituloy ang kasal nila ni James?
Daddy: Mommy, huwag kang magsalita ng ganyan. Magiging okay ang lahat. I promise.

******

May 10

Ninoy Aquino International Airport

Devon: Tita! (sabay kaway sa auntie na palingon-lingon)

                Narinig naman siya ng tita niya at lumakad patungo sa kanila. Nagbeso-beso ang mag-tita at ipinakilala ni Devon ang tita sa kasama.

Devon: Tita, si James po pala, ang husband-to-be ko. And James, si Tita Carmie.
James: Hi po. (sabay halik sa pisngi ng babae)
Auntie: Aba, kay gwapong bata ah! Hello din sayo iho.
Devon: Naku tita! Kakapal ang bituka nyan sa papuri niyo. (sabay tawa)
James: Eh totoo naman Partner eh, hayaan mo na. (tawa)
Tita: O siya, tayo na at parang nahihilo pa ako. Matagal na rin kasi akong hindi nakakasakay ng eroplano.
Devon: Sige po, tayo na.

                Hinatid sila ni James sa apartment na tinutuluyan ni Devon at nagpahinga muna si Tita Carmie.

******
                Nasabihan na rin ni James ang mga nagulang na dumating na ang Tita Carmie ni Devon at magdi-dinner sila kinabukasan para magkakilala ang tatlo.

Mommy Beth: Dumating na ang kinatatakutan ko dad.
Daddy Malcolm: Bukas na natin problemahin yan mommy, matulog muna tayo at nang maka-ipon tayo ng lakas ng loob para harapin si Carmie bukas.

Kinabukasan…

                Magkikita-kita ang Pamilya Burgoyne at si Devon at ang Tita Carmie niya. Naunang dumating sina Devon at ilang minuto ang lumipas ay dumating na rin sina James. Walang masyadong tao sa kinauupuan nila.

Devon: Tita, nandyan na po sila.

                Nagtaas ng tingin si Tita Carmie at napatayo sa nakita.

Tita Carmie: Mr. and Mrs. Burgoyne? (tila parang galit na sabi nito)
Mommy Beth: Carmie..
Devon: Tita bakit po?
Tita Carmie: Hindi mo alam Devon?
Devon: Ang alin—(pinutol ni Daddy Malcolm ang sasabihin niya)
Daddy Malcolm: Huwag dito Carmie. This is not the right time and place.
Carmie: And when do you think is the right time and place Mr. Burgoyne?! (halos pasigaw nitong sabi na ikinalingon ng lima kataong kumakain din doon)
James: Mom, Dad, what’s going on?
Devon: Tita, ano po bang sinasabi niyo?
Tita Carmie: Devon, makinig kang mabuti. Naalala mong namatay ang mama mo sa aksidente?
Devon: *tango
Tita Carmie: And you still remember na hindi nagkaroon ng justice ang pagkamatay niya dahil nakalabas na ng bansa ang mga nakabangga sa kanya. Sina Mr. Burgoyne ang nakabangga sa mama mo noon!

                Tila parang pinagsakluban ng langit si Devon. Palipat-lipat ang tingin niya sa tita niya at sa mga magiging magulang na niya sana. Napatingin siya kay James na sa kasalukuyan ay gulat rin dahil sa narinig.

James: Mom, Dad, sabihin nio sakin na nagkakamali lang si Tita. Tell me she’s referring to someone else.
Mommy Beth: *iyak
Daddy: It’s true my son. We went to Australia to cover up my mistakes. I’m so sorry Devon.

                Dahil sa konpirmasyon na narinig galing mismo sa daddy ni James, naliwanagan si Devon at patakbong nilisan ang restaurant.

Tita Carmie: Devon! (sinundan niya ang pamangkin)

******

WM: Pasensya na po, kung anong initaas ng chap27, yun din ang ikina-ikli ng chap nato. Mambibitin po muna ako. Hehe. Matutuloy pa kaya ang kasalang Burgoyne- Milano? Sana po abangan niyo ang last two chapters. =)

1 comment: