Thursday, February 10, 2011

It Has Always Been You: Chapter 22- Goodbye

3 years later…

October 9, 2013

                They graduated with flying colors. They were one of the honor students of their institute. Si Sam naman ang naging Magna Cum Laude sa Gems University. Sam inherited his family’s business. Secretary niya si Devon, kinuha niya si Devon as his secretary dahil na rin best friend niya ito. Kahit secretary siya ni Sam, binigyan siya nito ng sariling opisina. Sina Bret at Fretzie naman ay nagpakasal na last year, and she’s currently carrying their first child. Magkasama din silang nagtatrabaho sa kompanya ni Sam. Si Yen naman, nagtatrabaho sa kompanya ng auntie niya, pero malapit lang ito sa kompanyang pinagtatrabahuhan ng mga kaibigan. They were indeed successful in their studies and in their careers. Marami na rin ang nagbago sa mga buhay nila.

                Nagmumuni-muni si Devon at nakatingin lang siya sa labas ng bintana ng office niya. Naputol ito ng may kumatok sa pinto at bumungad si Sam.

Devon: Tots! May kelangan ka ipagawa?
Sam: Oo sana eh. I was wondering if you can call my Honeybunch for me? (smiled sweetly)
Devon: Why me? Call her yourself. (asar niya sa best friend)
Sam: Hindi ko kasi sya ma-contact eh. Please? (lumuhod sa tabi niya at tila nagdadasal)
Devon: Ayoko nga! (laughed)
Sam: Tots naman eh! Sige----

                Biglang naputol ang sasabihin niya nang tumunog ang phone niya. Kinuha ito sa bulsa niya at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Sam: Yes! I think I don’t need your help anymore my helpful secretary and my ever loyal bestfriend! (asar niya kay Devon)
Devon: Hmpf! And why? (crossed-arms)
Sam: She’s already calling me. (winagayway ang phone niya)
Devon: O sige na, sagutin mo na baka i-off pa yan, sige ka! (laugh)

                Lumabas si Sam sa opisina niya at sinagot ang tawag ng nobya.

                “Haaay, it’s been three long years. Ang dami nang pagbabago sa buhay namin. Three years ago, kasama pa namin si Ivan. Three years ago, nang malaman ko ang nararamdaman ni Yen para kay Ivan, akala ko magagalit sa akin ng todo si Yen, but we remained good friends until now. Three years ago, nang nahihirapan pa ako kung paano i-e-explain kay Sam ang lahat. And three years ago, nang nandito lang lagi si James sa tabi ko at tinatawag akong ‘partner’. Pero ngayon, asan na kaya siya? I really miss my partner. Hindi ko alam pero bakit hanggang ngayon eh hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ko sayo.”

Fretzie: Devs!

                Napalingon si Devon sa pintuan nang marinig ang sigaw ng kaibigan na nagpagulat sa kanya.

Devon: Ikaw talaga Fretz! Kung makatawag naman ng pangalan ko, parang isang kilometro ang layo natin!
Fretzie: Sorry naman. Haha
Devon: Ano pinunta mo dito? May kelangan ka?
Fretzie: Bakit? Dapat ba may kelangan ako para bisitahin ang kaibigan ko? Hayaan mo na nga lang ako, alam mo naman na ikaw lang parati kong kasama eh, nandun kasi si Yen sa ibang kompanya.
Devon: O siya, sorry na, nag-drama ka na naman! (smiled)

                Pumunta si Fretzie sa harap ng desk niya at may nilapag na mga papel.

Devon: Ano toh? (pinulot ang mga papel at tiningnan)

                Lumiwanag ang mukha niya at inilipat kay Fretzie ang tingin.

Fretzie: It’s a boy Devs! (lumapit kay Devon at niyakap ang kaibigan)
Devon: Congrats Fretz! I’m so happy for you!

                Matagal din silang nagyakapan at tyempo namang pumasok si Bret.

Bret: Hey girls, what’s the commotion? (lumapit sa asawa at hinalikan)
Fretzie: I just got my ultrasound result bun. And guess what? (pambibitin sa asawa)
Bret: What?! (halatang excited na)
Fretzie: It’s a boy!
Bret: What?! A boy?! Oh my God! (niyakap si Fretzie, kinarga at pina-ikot-ikot)

                Nakatanaw si Devon sa mga kaibigan. Masayang-masaya siya para sa mag-asawa. Sino ba mag-aakala na magkakatuluyan ang dalawa? Eh parang aso’t-pusa ang mga ito noon. Napalis ang ngiti niya sa labi nang makita ang yakapan ng mag-asawa. Natandaan niya kasi ang mga yakapan nilang ganun ni James. Napansin naman ng mag-asawa ang biglaang katahimikan niya. Lumapit sila kay Devon at pinahid ni Fretzie ang mga luha niya. Napukaw siya sa ginawa ni Fretzie.

Devon: I’m sorry. Hindi ko namalayan na napaiyak na pala ako. I’m sorry I spoiled the moment. (pinahid ang luha niya at ngumiti)
Fretzie: No Devs, okay lang. Let it out. (hinagod ang likod ni Devon)
Bret: Right Devs, but don’t get me wrong ha, but I guess it’s time to move on.
Devon: I am moving on. Pero ewan ko kung bakit but I still love him despite what he did. (tumulo na naman ang mga luha niya)
Fretzie: Maybe you have to date someone else. Go out with other guys. Take your time at huwag mo lang madaliin.
Bret: I’m sure you’ll get by. Si Sam nga eh na minahal ka since your childhood, nagawang magmahal ng iba. Ikaw pa kaya?
Fretzie: Tama si Bun Devs. You should move on.
Devon: I will. I’m sorry if I dragged you on this. Hindi niyo na dapat inaalala ang mga ganitong bagay, this is my problem, I should face it myself.
Fretzie: Gusto mo batukan kita? Para ano pang naging kaibigan mo kami? Ha?
Bret: Oo nga naman Devs, what are friends for? (smiled)
Devon: Sorry na. I just thought na hindi niyo na dapat iniisip ang problema ko. Don’t worry, gagawin ko lahat makalimutan lang siya. (smiled)
Bret: Hey, it’s lunch time na. Tara kain tayo.
Devon: Sige tara! Daanan nalang natin si Sam sa office niya.

                Pumunta sila sa office ni Sam at niyaya mag-lunch. Tinext na din nito ang nobya na magkita nalang sila sa restaurant na palaging kinakainan nila. Ito pa rin ang restaurant na paborito nilang kainan noong nasa college sila. Nasa loob na sila nang dumating na ang hinihintay nila, ang girl friend ni Sam. Kinawayan nila ito at patungo na ito sa table nila.

Yen: Hi guys! Sorry natagalan ako. (umupo sa tabi ni Sam at hinalikan ang nobyo)
Fretzie: Okay lang Yen, kararating lang din namin eh.
Sam: So, ano gusto niyo orderin?
Devon: Just like before, I still prefer Back Ribs and iced tea. (smiled)
Bret: Hindi ka pa rin nagbabago Devs. Samin naman ni Bun is Seafood Carbonara, Back Ribs, and mango shake.
Fretzie: Bun, I want watermelon shake.
Bret: Oo nga pala. Gustong-gusto niya ang watermelon these past few days. I had to find watermelon in the middle of the night sometimes. (natatawa niyang sabi)
Fretzie: Ibuko ba ako? (nakasimangot niyang sabi)
Yen: Hala ka Bret! Nagtampo misis mo. Haha.
Bret: Sorry na Bun, I’m just joking. O siya, um-order na tayo, nagugutom na si Baby oh. (sabay haplos sa tiyan ni Fretzie na halatang-halata na ang umbok)
Sam: Sayo Honeybunch? (baling kay Yen sabay ngiti)
Yen: Hmm.. Maybe Buttered Chicken will do, and iced tea na rin. (smiled at him)

                Um-order na sila. Nagkwe-kwentuhan sila nang mapansin ni Yen ang katahimikan ni Devon.

Yen: Devs, are you okay?
Devon: Oo naman. Bakit mo naman natanong?
Yen: Wala lang, napansin ko lang na tahimik ka. It’s not the usual you.
Sam: Yeah, naging ganyan ka na for three years, since James left.
Fretzie: Please bring our friend back. Bring the old Devon back.
Bret: I’m not forcing you to forget him the soonest, ang sinasabi lang namin, you can’t be like that forever.
Devon: I’m sorry guys, marami lang kasi tayong alaala ditto sa restaurant na to, noong nandito pa si James. I even remember nung nagalit ako sa kanya kasi sinabayan niyang kumain si Ann tapos tinanggihan niya tayo. (napatawa ng konti)
Yen: Pero iniwan ka nalang niya ng basta-basta Devs, nagpaalam lang siya sa sulat and I think it’s not enough.
Fretzie: Oo nga, ni kay Ivan hindi siya nagpaalam ng maayos.
Sam: Maybe it’s just too urgent that he have to fly to Australia the soonest as possible. (depensa niya sa kaibigan)
Bret: Yeah, as what he stated on his letter, hindi niya rin gustong gawin to.
Devon: But he said goodbye to me. (napaiyak siya)
Fretzie: Goodbye? Wala naman siyang sinabing goodbye sa letter niya ah.
Devon: May isa pa siyang letter na ginawa, exclusively for me. Iniwan niya sa lamesa ni Ivan noong nasa hospital pa ito. Hindi ko lang sinabi sa inyo. And I’m sorry for that.
Yen: What?! Do you still have theletter? Pwede pabasa?

                Kinuha niya ang letter ni James sa wallet niya.

Dear Partner,
                I’m sorry that I have to say Goodbye through this letter. My dad called and said that I have to be there because he needs me regarding our business. Hindi ko sana susundin ang gusto niya pero I don’t want to let him down. Kinausap na rin niya si Dean, and I can get my diploma daw even though I can’t attend the graduation at hindi ko natapos ang semester. My grades are good enough and I can go without finishing it at hindi ko alam kung kelan ako babalik o babalik pa ba ako. I want to say Thank You for those times that you make me laugh, those times na nailalabas ko ang tunay kong nararamdaman. You are one great friend. I’m really sorry for those times that I irritate you, during our rehersals, and I’m sorry sa mga pagkakataong hindi kita masyado pinapansin. What can I do? Hindi ko naman pwedeng agawin ka kay Ivan. Yes Devon, gusto kitang agawin kay Ivan but he is my friend, a good friend of mine and I don’t want to hurt him. Ayokong magkalamat ang pagkakaibigan namin ng dahil lang sa babaeng pareho naming mahal, so I gave you up. But one thing is for sure, I will never be able to love someone else as much as I love you, because for me, you’re the only girl I’ve fallen in love with and the only girl I will love. And now, I can freely say what I wanted to say 5 long years ago. I love you Devon, my partner. And I think this is Goodbye.But if God give me a chance, I’ll pursue you. I promise Partner.
                                                                                                                                Loving you forever,                                                                                                                                James

*******************************************

No comments:

Post a Comment