Devon: Tots! Fretz! Bret! Yen!
Sam: Ano yun Tots? Rollcall? Haha.
Fretzie: Oo nga naman. Bakit nga pala? (natatawa rin)
Devon: Wala lang, gusto ko lang banggitin mga pangalan niyo. Oo nga pala, 3rd death anniversary na ni Ivan bukas. Samahan niyo akong pumunta huh.
Bret: Sure.
Yen: Syempre pupunta kami noh.
Devon: Okay, thanks! (smiled)
*************************
Dumating na si James sa Pilipinas pero wala pa siyang sinasabihan kahit na si Sam. Umuwi siya sa iniwan na bahay. Pagkapasok niya, malinis pa rin ang bahay dahil may kinuha siyang caretaker. Nagpahinga muna siya at dadalawin niya ang puntod ng kaibigan bukas ng umaga. Napagpasyahan muna niyang hindi lumabas ng bahay para na rin walang makakita sa kanya. Inutusan niya nalang ang caretaker na ipag-grocery siya. Kinabukasan, pinuntahan niya ang puntod ng kaibigan. Nagsuot siya ng shades para hindi masyadong mamukhaan. Nagdala rin siya ng bulaklak para ialay sa kaibigan.
November 4, 2013
Golden Haven Cemetery
9:00 am
James: Hey dude! What’s up? Sorry kung hindi ako nakapagpaalam sayo ng maayos. At buti naman na hindi mo ko minulto, haha, pero joke lang dude. Alam mo, miss na kita. Miss ko na yung pinagseselosan ko kayong dalawa ni Devon, nasanay na rin kasi ako eh. Sorry nga rin pala kung wala ako sa tabi niya nung mawala ka, hindi ko siya nadamayan. But believe me, hindi ko sinasadyang iwan siya. I still love her dude. And don’t worry, I promised myself na kung mawala ka, ako ang sasalo sa kanya. At asahan mong mamahalin ko siya, hindi lang sa kung gaano mo siya minahal, higit pa. Sige dude, una na ko. Give my regards to my future parents-in-law. (ngumiti at nilisan na ang sementeryo)
10am
Nakarating ang magkakaibigan sa puntod ni Ivan.
Devon: Hi babe! Kumusta ka na dyan? Miss na kita!
Bret: Oo nga dude! Miss ka na namin.
Yen: Kumusta ka na dyan? Sana Masaya ka. (smiled)
Fretzie: Tingnan niyo guys, may mga bulaklak dito oh, at mukhang bago lang umalis ang nagbigay.
Devon: Oo nga noh? Kanino kaya galing to?
Sam: Baka naman isa sa mga kaibigan niya. “Baka galing na si James dito.”
Bret: Oo nga, hindi lang naman tayo ang friends niya eh. (smiled)
Yen: Yeah, he’s so friendly, kahit sino kinakaibigan niya. Eh eto ngang si honeybunch eh, kinaibigan rin kahit alam niyang karibal niya noon kay Devon.
Sam: That was before honeybunch. And yes, he’s really friendly.
Devon: Wala ata akong alam na kaaway niya.
Fretzie: He’s too humble to fight anyone. Haha.
Devon: Sayang Babe, hindi ka makakapunta sa reunion bukas. Kumpleto sana tayo…ay, hindi pala, may isa pa palang nawawala. (biglang lumungkot ang ngiti)
Sam: Malay natin, pumunta si James, hindi natin alam.
Fretzie: Hay naku! Gusto ko siyang Makita pero sana huwag na. Para naman tuluyan na siyang makalimutan ni Devon noh.
Yen: Oh buntis, chill ka lang dyan. Baka nakasimangot ang baby mo pag labas niyan. Sige ka! Haha
Bret: Wala namang ganyanan Yen.
Yen: Sorry. (ngumiti)
Fretzie: O sige, from now on, hindi na ako sisimangot. (smiled sweetly)
Sam: Ganyan dapat! Ivan, sayang hindi mo makikita inaanak mo.
Bret: Don’t worry dude, dadalhin namin siya dito.
Devon: Babe! Sayang talaga. Ikaw sana ang isa sa mga pinakagwapo sa reunion bukas. Hindi na kumpleto ang Archangels.
Bret: Oo nga dude. Ako nalang ang natira. Ang hilig niyong mang-iwan noh?
Yen: Oo nga, sikat na sikat pa naman sana kayo, I’m sure maraming gustong Makita kayong muli na mag-perform.
Fretzie: Oo nga, kayo kaya yung pinakasikat na boy band ng institute.
Devon: Hayaan niyo na, huwag si Ivan ang pagalitan niyo, yung isa kasi hindi man lang nagpaalam ng maayos. (ngumiti)
Bret: Oo nga, babatukan ko talaga yun pag nakita ko ulit.
Yen: Devs, Fretz, may susuotin na ba kayo sa reunion bukas? Semi-formal yon diba?
Fretzie: Wala pa akong napipili eh, puro luma na kasi yung mga dress ko. Tsaka baka hindi na sakto sakin kasi ang laki na ng tiyan ko.
Devon: Ako rin wala pa, alam niyo naman na hindi ako sanay na mag-dress diba?
Yen: Bumili nalang kaya tayo mamaya?
Fretzie: Good idea. (ngumiti ng pagkatamis-tamis)
Devon: Sige, kayo bahala.
Fretzie: Bun, Sam, dapat andun kayo para dalhin ang mga pinamili naming huh? (ngumiti sa asawa)
Bret: May magagawa pa ba kami?
Sam: Oo nga, hindi yun favor, utos yun. Haha. Sige na nga, pagbigyan ang buntis.
Nagkatawanan ang lahat at napagpasyahan na umalis na pagkatapos ng isang oras. Nagpunta agad sila ng mall para bumili ng susuotin para sa reunion. Pumasok sila sa isang boutique at dun namili ng mga dress na magugustuhan. Sinukat nila ang mga napili.
Yen: Hon, maganda ba? (sabay pakita kay Sam)
Sam: Yeah, bagay na bagay sayo. (sabay ngiti)
Fretzie: Bagay buh to sakin Bun?
Bret: Kahit ano babagay sayo kasi napakaganda mo. (sabay hug ni Bret sa asawa)
Devon: Hay naku, maglambingan buh? Haha.
Yen: Ikaw Devs, parang wala ka atang sinukat?
Devon: Eh wala kasi akong Makita eh.
Fretzie: Kami na nga lang pumili sayo, tara Yen, hubarin na natin toh at tayo nang pumili para sa isa dyan.
Yen: Oo nga, maupo ka lang dyan at kami na bahala pumili.
Pagkatapos hubarin ang mga dress, nagmadali nang pumili ang dalawa ng dress para sa kaibigan. Naghanap sila ng blue dress dahil favorite color ito ng kaibigan. Nag-uusap ang tatlong naiwan at nagulat dahil may tatlong dress na dala ang dalawa.
Sam: Dami naman niyan. Bakit tatlo?
Yen: Para marami pagpilian Hon.
Fretzie: Oh Devs, pili ka, alin ditto?
Devon: Hala, nagdala pa talaga kayo ng tatlo. Pero para sakin, ito nalang. (sabay kuha ng isang dress)
Fretzie: Snap! Sabi ko na nga buh eh, yan yung pipiliin mo.
Yen: Oo nga, yan din ang choice ko. Sukat mo na.
Tinulak na nila si Devon para isukat ang damit. Nang lumabas ito, napangiti silang lahat dahil bagay na bagay kay Devon ang damit.
Sam: Wow! Tots! Bagay sayo yan.
Yen: Oo nga Devs, bagay na bagay sayo.
Bret: Naku! Siguradong lalong mapapa-in love si Patrick sayo nyan!
Fretzie: Ngee! Di naman sila bagay ni Patrick noh! Iba nalang.
Devon: Kayo talaga, puro kayo biro. Okay lang ba talaga?
Sabay-sabay na tumango ang mga kaibigan niya.
****************************************
Tumunog ang phone ni James at agad sinagot ang tumatawag.
PHONE CONVO
James: Dude!
Sam: Dude, nagpunta ka ba kanina sa puntd ni Ivan?
James: Yeah, mga 9am ang umalis ako mga 9:45.
Sam: What?! 10am kami pumunta dun eh. Nagkasalubong sana tayo!
James: Talaga? Buti nalang hindi.
Sam: Kelan mo ba balak magpakita samin?
James: Bukas sa reunion.
Sam: Magsuot ka sana ng something blue, para terno kayo ni Tots. (tumawa)
James: Talaga? She will wear blue? It’s her fave color. Formal buh?
Sam: Nope, semi-formal lang.
James:Okay, maghahanap ako ng blue suit dito.
Sam: O sige, yun lang, gotta go. Parating na ang tatlong girls.
James: Magkasama pa rin kayo?
Sam: Oo, bumili sila kanina ng maisusuot para bukas. Alam mo naman, tagabitbit kami ni Bret. (tumawa ulit)
James: Oo nga, hilig pa naman mag-shopping si Yen, nasanay ka na siguro. (tumawa)
Sam: naku, sanay na sanay na. Sige na dude, bye for now.
James: Ok, salamat.
END OF PHONE CONVO
****************************************
Bakit 3 times umulit hehehehe Love it though kailan ang next chapter? Excited much lang :D
ReplyDelete..xori po..nagloko kasi net eh..kala q hindi na-post kac walang confirmation..hehe. =)
ReplyDelete