Sunday, February 13, 2011

It Has Always Been You: Chapter 25- The Reunion

Nakisabay na si Devon sa sasakyan ni Sam, nasa backseat siya at nasa harap naman si Yen. Si Fretzie naman ay nakasakay sa kotse nila ni Bret. She admits, napakaganda nilang tatlo nina Yen at Fretzie nang gabing ito. At napakagwapo naman nina Bret at Sam sa kani-kanilang suit. “If only you were here James, I’m sure ikaw ang kasama ko at ikaw lang ang pinakagwapo para sakin.”

Sam: We’re here!

                Ang reunion nila ay gaganapin sa Shangrila Hotel, napakadali nilang nagamit yon kasi isa ang mga magulang ni Tricia sa mga shareholders ng hotel. Tricia saw them and welcomed them.

Tricia: Guys! Buti nandito na kayo. (sabay beso sa kanila)
Yen: Hi Trish. Ganda natin ngayon ah. Haha.
Tricia: Well I’ll take that as a compliment. Kayo nga dyan eh. Maganda tayong tatlo noh. Ikaw Devs, ang ganda mo ngayon.
                                       



                                        Devon                     Yen

Devon: Di naman. (ngumiti)
Tricia: Eh asan si buntis?
Sam: Maya-maya lang darating na yun. Hintayin nalang namin sila bago pumasok.
Tricia: Okay, makikihintay na rin ako. Gusto ko makita yun eh, malaki na ba tiyan nya?
Yen: Yeah, malaking malaki na. Haha.
Devon: Hay naku, binibiro ka lang ni Yen, halata na pero hindi pa ganun kalaki.
Sam: Oo nga, malaman nun na pinagkaisahan nyo siya, naku, lagot kayo.

                Nagkatawanan sila nang mapansin ang kotse ni Bret na paparating na rin. Bumaba ang mag-asawa at namangha si Tricia.

Tricia: Fretzie! (sabay hug sa bagong dating)
          : Ikaw na siguro ang nakilala kong buntis na blooming na blooming pa rin. (sabay ngiti)

                                                                               
                                         Fretzie’s maternity dress
Fretzie: Ikaw talaga Trish, nambola ka pa.
Tricia: Hi Bret. (sabay beso)
Bret: Hi Trish. Nasan si Ann? Diba kayong dalawa nag-organize nito?
Tricia: Nasa loob na. Ini-entertain ang ilang batchmates natin.
Devon: Pumasok na kaya tayo at dun nalang tayo magkamustahan.
Yen: Oo nga naman. Baka abutin tayo ng umaga kaka-kwento dito eh.

                Nagkatawanan na naman sila sa tinuran ni Yen. Pinili nila ang table na nasa harap. May anim itong upuan.

Devon: Bakit pinili natin ang may 6 chairs? Lima lang naman tayo ah.
Sam: Hayaan mo na Tots, baka may dumating, dyan natin pa-upuin. “Para kay James ang upuang yan Tots.”
Fretzie: Hayaan mo na.

                Nagsimula na ang program. Palingun-lingon naman si Sam sa paligid.

Yen: Hon, is everything okay?
Sam: Yeah, everything’s fine.
Yen: Para kasing may hinahanap ka eh. “May nagagandahan kaya itong ibang babae?”
Sam: Wala, tinitingnan ko lang ilang batchmates mo. (pagsisinungaling niya pero ang totoo, hinahanap niya si James)
Yen: Okay. (na may bahid na lungkot sa tinig)

TEXT CONVO

Sam: Asan ka na dude? Nagsimula na ang program.
James: I’m on my way na. Malapit na ako. Don’t worry, pupunta ako.
Sam: Bilisan mo kasi may pumoporma kay Tots dito.
 James: Dahil sa sinabi mo, paliliparin ko kotse ko.

END OF TEXT CONVO

                Narating rin ni James ang venue. Nang papasok na sana siya, hiningan siya ng guard ng invitation letter, pero wala siya nun kaya naki-usap siya sa guard pero di talaga siya pinayagan.

James: Sir please. I belong to the same batch as they do, wala akong invitation kasi nasa Australia ako at umuwi ako para lang ditto.
Guard: Sorry po talaga Sir pero bilin po kasi ni Ms. Chua at ni Ms. Yap na hindi papasukin ang mga walang invitation.
James: Damn! (mahinang usal niya at palakad-lakad)
Tricia: James?! Is that you?
                                              James BLUE suit

James: Trish!
Tricia: Ikaw nga! (sabay hug sa binata and he hugged her back)
          : Na-miss kita ah. Ba’t nandito ka sa labas?
James: Well, he won’t allow me to get inside. (sabay turo sa guard)
Guard: Eh kasi po mam wala po siyang invitation.
Tricia: It’s okay Sir. He’s my friend.
Guard: Sorry po Sir. (binuksan nito ang pinto)
Tricia: Tara na. So, Devon knows you’re here? And speaking of, terno kayo ngayon huh! (smiled)
James: I made sure na terno kami. And nope, they don’t know and please don’t let them know.
Tricia: Why?!
James: I’ll just surprise them. Trish, can I ask you a favor?
Tricia: Okay, what is it?

**********************************

                Si Ann at Patrick ang nag-emcee.

Ann: Good evening Batchmates.
All: Good evening!
Patrick: Ngayon naman, may nag-request samin na kung pwede sana eh pakantahin natin ang noo’y palaging pambato natin sa kantahan. Naaalala niyo pa ba si Ms. Devon Milano? Ang palaging pambato sa sayawan at kantahan?
All: Yeah!
Devon: What?!
Fretzie: Pagbigyan mo na Devs. Special request oh!
Ann: Devon, pano ba yan, may nag-request eh. Halika ka na dito sa stage.
Devon: Ayoko! (mahina niyang sabi)
Sam: Tots, sige na, na-miss nila ang boses mo eh.
Patrick: Sige na Devon, umakyat ka na dito sa stage.
Bret: Go Devon!
Yen: Pagbigyan mo na kasi. Haha.
Devon: Hay naku! Sige na nga.

                Tumayo na siya at umakyat ng stage. Nagpalakpakan naman ang mga tao.

Devon: Ano ba gusto niyong kantahin ko?
Ann: Ikaw na bahala.

                Kumuha ng guitar sa sulok si Devon. Natuto siyang mag-guitar sa tulong ni Sam at Bret. Tinuruan ng dalawang lalaki ang tatlong babae pero siya lang ang nakatiis at natuto. Agad sumuko sina Yen at Fretzie dahil masakit daw sa daliri.

Patrick: Ladies and Gentlemen, Ms. Devon Milano.

                Nagpalakpakan na naman ang mga tao. Umupo siya sa isang swivel stool chair. She crossed her legs and positioned herself comfortably with the guitar.

Devon: Ang dyahe naman, naka-dress ako tapos nakahawak ng guitar.
“Okay lang yan, maganda ka pa rin naman tignan eh!”, sigaw ng isang lalaki.
Devon: Naks! Nambola pa toh oh. Sige, ide-dedicate ko tong kantang toh sa isang taong nawawala, oo nawawala siya, hindi siya nagpaalam ng maayos at hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan ang lalaking iyon.

“Ako nalang mahalin mo Devon! Hindi kita iiwan! Promise!”, sigaw na naman ng isa pang lalaki.

                “She’s mine! Back off!”, sabi ng isang lalaki sa isang sulok.

Devon: Haha. Sige Pag-iisipan ko yan. Well, back to the story, ngayon, I’m ready to forget that person dahil feel ko naman eh hindi na siya babalik, so I’ll just forget him.Kung nasan ka man, siguro mas mabuting dyan ka nalang. Haha.
James: What?! Kakalimutan na nya ako?
Tricia: Ikaw kasi eh, hindi ka nagpa-alam, saying goodbye in a letter isn’t enough.
James: Alam mo?
Tricia: Yeah, sinabi nila sakin. Friends na kaming lahat eh. Kung ako si Devon, ganun din ang magiging desisyon ko noh. Oh , ginawa ko na yung favor mo huh, napakanta na natin siya, what’s your next plan?
James: Siya naman ang isu-surprise ko.

                Natigil ang usapan nila nang pumailanlang na ang tugtog ng guitar. At nagsimula nang kumanta si Devon. A song she dedicated for him.

Woke up today thinking of you
Another night that I made my way through
So many dreams still left in my mind
But they can never come true
I press rewind and remember when
I close my eyes and I'm with you again
But in the end I can still feel the pain, every time I hear your name
[Chorus]
The sun won't shine since you went away
Seems like the rain's falling every day
There's just one heart, where there once was two
But that's the way it's gotta be,
'til I get over you
Hindi niya namalayan na unti-unti nang pumapatak ang mga luha niya. Nami-miss na kasi niya ng sobra-sobra ang lalaki pero dapat na niya itong kalimutan dahil ito mismo ay nagpaalam na sa kanya.
[Verse 2]
Walked through the park, in the evening air
I heard a voice and I thought you were there
I run away but I just can't escape
Memories of you everywhere
They say that time will dry the tears
But true love burns for a thousand years
Give my tomorrows for one yesterday
Just to know that I could have you here
[Chorus]
The sun won't shine since you went away
Seems like the rain's falling every day
There's just one heart, where there once was two
But that's the way it's gotta be,
'til I get over you

[Bridge]
When will this river of tears stop fallin'
Where can I run so I won't feel alone
Can't walk away when the pain keeps callin'
I've just gotta take it from here on my own
But it's so hard to let go 

“It’s time to surprise you Partner. Ako naman ngayon.”, sa isip ni James.

                Habang nagii-strum si Devon, tahimik siyang umakyat ng stage at pumwesto sa piano. Nasabihan na niya sina Ann at Tricia na gagamitin ang piano para sa surpresa niya kay Devon.

[Chorus]
The sun won't shine since you went away
Seems like the rain's falling every day
There's just one heart, where there once was two
But that's the way it's gotta be,
'til I get over you
Till I get over you..

Nagpalakpakan ang mga tao nang matapos ang kanta niya. Agad niya namang pinunasan ang mga luha niya. Buti nalang hindi nasira ang make-up niya, dahil pag nagkataon, para siyang hindi nakatapos sa paghihilamos. Tatayo na sana siya nang may marinig sa di kalayuan.

2 comments: