Sam’s POV
Ano ba ang mas mahalaga?
Ang panahon na kasama mo siya?
O ang damdamin mo para sa iba?
Ako si Sam. Nagmahal na ako minsan, pero naransan ko na ring iwanan. Naging malungkot ang buhay ko, pero nung makilala ko si Devon, nag-iba mundo ko. Naranasan kong ngumiti muli. Yung gigising ka ng maaga at mukha niya agad ang un among maaalala. Pero may mahal na siyang iba, may nagmamay-ari na sa kanya, si James.
Devon: Sam, makikita ko na siya bukas.
Sam: Sabi ko sayo eh.
Kahit masakit pinilit kong ngumiti, wala na naman kasi akong magagawa eh. Unang nakilala ni James si Devon. Matapos kong ihatid si Devon sa bahay niya, may pinuntahan ako.
Sam: James..
James: Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?
Sam: Nakuha ko sa cellphone ni Devon. Gusto ko lang malaman mo na walang namamagitan samin ni Devon. Niyakap ko siya para magpasalamat dahil kahit papano naging parte siya ng buhay ko. Napakaswerte mo kay Devon. Aaminin ko sayo, mahal ko si Devon, pero alam ko ang tama sa mali, wala akong balak agawin sya sayo. Ang hiling kolang, sana buksan mo ulit ang puso mo, mahal na mahal ka ni Devon.
Umalis na ako pagkatapos sabihin yon. Sana sa paraang to, makabawi ako kay Devon. Hinatid ko na siya sa bahay na inuupahan ni James, huminto ako sa kabilang kalye. Tinawag ko ulit siya.
Sam: Devon! Kaya mo yan.
Devon: Salamat!
Agad akong lumabas sa kotse nang makita kong may paparating na kotse. Tinulak ko si Devon para iligtas siya. Nabundol ako ng kotse pero wala akong maramdaman. Ang alam ko lang, ligtas si Devon. Ang daming taong pumaligid sakin, nagkakagulo sila. Pilit kong minumulat ang aking mga mata hanggang may nakita akong babae. Nakita ko si Devon na umiiyak.
“Mahal kita..”
Yan ang huling salita na nasabi ko sa kanya. Bago ako bumitiw, may narinig ako. Kahit huli na ang lahat, hindi ako nagsisisi. Dahil nasabi ko na rin sa kanya sa wakas na mahal ko siya.
James’ POV
Ako si James. Naranasan ko nang magmahal. Naranasan ko na ring maghintay, mahirap yung magkalayo kayo. Gusto mo siyang yakapin pero hindi mo magawa kasi nasa malayo siya. Nasaktan ako sa mga nangyari kaya pinili kong lumayo. Pero hindi ko matiis si Devon kasi mahal na mahal ko siya. Sa tatlong araw kong mag-isa, sa tatlong araw na dapat kasama ko siya. Na-realize ko, mahal ko si Devon at ipaglalaban ko siya.
Gumising ako ng maaga. babalikan ko si Devon.
Tatanggapin niya kaya ang sorry ko?
Tatanggapin niya pa kaya ako?
“James..”
Lumingon ako, at nakita ko si Devon, ang babaeng nagpabago ng buhay ko. Sana hindi pa huli ang lahat, pero may nangyaring hindi inaasahan.
“Devon!”
Sumigaw ako nang may makita akong kotseng papalapit sa kanya.
Huli na ba ang lahat?
Nang may makita akong tumulak sa kanya para iligtas siya, nagmadali akong pumunta sa kinaroroonan niya. Niyakap ko siya, nakatulala lang siya. Isinugod namin sina Devon at Sam sa ospital.
“Devon, patawarin mo ko kung hindi ako nakinig sayo, sorry na Devon. Mahal na mahal kita.”
Devon’s POV
Ang daming nagyari sa apat na taon ko dito sa Korea. Pero meron akong hindi malilimutan, nung araw na nakasangga ako ng tubig at natapon sa isang lalaki, kay Sam. Naaalala ko yung mga araw na magkasama kami, kung paano niya ako tinulungan sa contest, ang mga ngiti niya, at ang pagmamahal niya. Hindi ko makakalimutan na nagkaroon ako ng napakatapat na kaibigan sa katauhan ni Sam.
After 2 years…
Umuwi na kami ng Pilipinas. Tapos na rin ako sa pag-aaral ko at balak ko magtayo ng sarili kong restaurant. Sa wakas, natupad din ang pangarap namin. At si James, asawa ko na. Apat na taon na kaming kasal. Sabi nga ng matatanda, sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan pa rin ang tuloy. Ang dami na naming pinagdaanan, ang dami na naming natutunan. Isa dito ay ang tiwala sa isa’t-isa. Salamat kay Sam dahil hindi lang niya niligtas ang buhay ko, pati na rin ang pag-iibigan namin James. Alam kong masaya na siya ngayon, ahil kasama na niya si Coleen sa langit. Naalala ko ang huling pag-uusap namin, kinwento niya sakin ang tungkol sa kanila ni Coleen. Wala man ngayon si Sam, buhay pa rin ang alaala niya.
Sa pag-ibig, dumarating ang mga pagsubok na sumusukat sa ating tatag at sa ating pagmamahalan. Pero dapat nating isipin na matatapos din ang araw at pagdating ng bukas, handa ka nang lumaban, laban para maging maligaya. Masaya na kami ni James, kuntento na kami sa buhay namin.
At isa pang nagpapaligaya sa akin ay ang pagdating ng isang tao sa buhay ko. Si Sam, ang anak namin ni James.