Thursday, June 2, 2011

KOREA: Chapter 6- Practice

            Sa gabing iyon, ang daming nangyari, pero isa lang ang hindi ko makakalimutan, ang babaeng pumasok sa buhay ko. Ang kanyang mga mata, ang kanyang ngiti. Parang bumilis ang tibok ng puso ko, sa bawat salita niya, sa bawat galaw niya, naaalala ko si Coleen, ang babaeng minahal ko ng totoo. Sa tuwing nakikita ko si Devon, bumabalik sa akin ang mga alaala nung magkasama pa kami ni Coleen, nung mga sandaling masaya kami, nung mga panahong buhay pa siya.

Devon:  Sir Sam, ano pong gagawin ko?
Sam: Sasali ka sa Cooking Contest.
Devon: Pero Sir, hindi po ako ganun kagaling.
Sam: Hindi ko naman sinasabi na galingan mo eh, ang sabi ko sumali ka lang.

            Natahimik siya.

Sam: Next week pa yung contest, so makakapag-practice ka pa, kung gusto mo lang.
Devon: Eh Sir Sam, wala po akong mga gamit.
Sam: Dun ka nalang sa bahay ko magluto.

            Binigay ko sa kanya yung address ko.

Sam: Bukas ng alas dyes ng umaga.

            Tumalikod na ako at umalis, kahit gusto ko pa siyang makasama at kahit gusto ko pa siyang titigan. Magaan ang loob ko sa kanya. Parang napupunan niya kasi ang pangungulila ko kay Coleen.

            Maaga akong gumising, inayos ko yung bahay, at naghanda ako ng makakain para sa aming dalawa. Narinig kong may nag-doorbell. Dali-dali kong binuksan yung pinto, at nakita ko siyang muli. Ang ganda ng kanyang mukha, ang tamis ng kanyang boses, ang kanyang mahaba at tuwid na buhok, lahat lahat na. Naalala ko na naman sa kanya si Coleen.

Devon: Hi Sir Sam. (ngiti)
Sam: Sam nalang itawag mo sakin.

            Pinapasok ko siya at kumainmuna kami ng tanghalian.

Sam: Dito ka magparactice magluto.

            May inabot ako sa kanya, yung recipe book na binili ko kagabi. Ang tagl ko nang hindi nararamdaman to, yung sobrang saya, sa tuwing tinitingnan ko siya pakiramdam ko kasama ko uli si Coleen. Natamaan na ata ako, dahil ba naaalala ko sa kanya si Coleen? o sa kanya mismo? Basta ang alam ko masaya ako at hindi ko na papalampasin ang pagkakataong lumigaya ulit ako. Dahil ang pag-ibig, minsan lang dumating kaya hindi mo na dapat ito pakawalan. Kung hindi, baka pagsisihan mo lang.

No comments:

Post a Comment