Sam’s POV
Buong magdamag kaming nag-ikot para hanapin si James. Bakas sa magandang mukha ni Devon ang lungkot at pagod.
6:00am
Bumalik na kami sa bahay niya.
Devon: Sorry Sam sa abala.
Sam: Ayos lang yun Devon.
Ngumiti ako sa kanya pero malungkot pa rin siya.
Sam: Magpahinga ka na Devon, mahahanap din natin si James. Babalik ako dito bukas at hahanapin ulit natin siya.
Pinpilit kong ngumiti, pero hindi ko matago ang lungkot, ang panghihinayang, mahal ko na ata si Devon, pero may mahal na siya. Siguro mahal ko na siya bilang Devon, hindi dahil naaalala ko si Coleen sa kanya. Pero anong gagawin ko? Sasabihin ko ba sa kanya kahit alam kong hindi dapat? Kahit alam kong hindi ako ang pipiliin niya? Sana nga ako nalang Devon. Pero hindi pwede, hindi naman ako kontrabida dito eh, pero hindi rin ako bida.
Kinabukasan, sinamahan ko si Devon. Habang nasa loob ng kotse, tinanong niya ako.
Devon: Bakit mo to ginagawa? Ba’t mo ko tinutulungan?
Hindi ko alam ang isasagot. Sasabihin ko ba? Aaminin ko ba na mahal ko siya? Sasabihin ko bang mahalaga siya sakin? Anong sasabihin ko? Natatakot ako sa maaaring mangyari, sa kanyang magiging reaksyon.
Sam: Ginagawa ko to dahil ma----
Napahinto ako sa pagsasalita nang mag-ring ang phone niya.
Devon: Hello Tita, may balita nab a kayo kay James?
Ibinaba na niya ang phone.
Devon: Tumawag na daw sa kanila si James, ite-text nalang daw nila yung address. Ano nga pala yung sinasabi mo kanina?
Sam: Wala yun Devon, ang sabi ko kumain muna tayo.
Nginitian ko siya, kahit ang sakit sakit na.
awwwww james pls listen first to devon
ReplyDelete