James’ POV
Nag-ipon ako para masundan ko si Devon sa Korea. Isang sorpresa, isang pagkikitang inaasam-asam.
“Devon?”
Parang tumigil ang mundo ko, parang gumuho ang pangarap ko nung makita kong magkayakap sila. Ako ang nasorpresa. Bakit ganun? Sayang ba ang paghiintay ko ng apat na taon? Sayang ba ang lahat-lahat? Kung alam lang ni Devon, lahat ng trabaho pinasok ko, maka-ipon lang ng pera para mapuntahan siya dito.
Hindi niya baa lam kung gaano ko siya kamahal?
Kung gaano ako kasabik na makita siya?
Kailangan ko bang magsisi?
Dapat ba akong manghinayang?
Tumakbo ako palayo kahit naririnig kong tinatawag ako. Mahal ko si devon, pero yung pagmamahal nay un ay natabunan ng sakit.Huminto ako sa pagtakbo, lumingon ako pabalik at nakita ko si Devon na umiiyak habang pilit na hinahabol ako. Lumapit ako sa kanya.
Devon: James..
James: Bakit mo nagawa sakin to?
Devon: Nagkakamali ka James---
James: Nakita ko kayo magkayakap.
Hindi ko na rin napigilan ang mga luhang nag-uunahang tumulo sa mga mata ko.
Devon: Makinig ka muna sakin, mali ang pagkakaintindi mo.
James: Ayoko na Devon suko na ako sa pag-iibigang ito.
Tumalikod ako at naglakad palayo, pero bigla niya akong niyakap.
Devon: James, please huwag mo kong iwan. Mahal na mahal kita, wala na kong ibang minahal kundi ikaw lang.
Tumindi ang pagtulo ng mga luha ko dahil sa sinabi niya, mahal na mahal ko talaga si Devon, hindi ko kayang nakikita siyang nahihirapan, pero sobrang sakit eh. Parang naunahan ako ng selos at ng galit. Iwinaksi ko ang mga kamay nyang nakayakap sakin at nagpatuloy sa paglakad. Hindi na iya sumunod, naririnig ko pa rin syang umiiyak.
Devon: James!..
Tinawag niya ako. Parang gumuho yung mundo ko, parang sinaksak ang puso ko.
Mahal na mahal kita Devon pero sapat ba ang mga salita para malaman ko na ako pa rin ang laman ng puso mo?
No comments:
Post a Comment