Tatlong araw na ang nakalipas mula nung niyakap ako ni Sam, ang sorpresang pagdating ni James at ang kanyang paglisan. Sa tatlong araw na yon, kasama ko si Sam, sa tatlong araw ding yon, nakita ko ang ibang Sam. Mabait at maaalalahanin, palagi nya akong pinapangiti at palagi niyang sinasabi na makikita din namin si James. Parang gumaan ang pakiramdam ko kahit papano. Pero napapansin ko, ang bait nya sakin, kaya napapalapit tuloy ang loob ko sa kanya, pero hindi pwede, hindi dapat Devon. Mas mahal ko si James. Pero indi ko maintindihan, bakit parang nararamdaman kong masaya ako pag kasama ko siya. Pero matatapos na rin ito bukas kasi magkikita na kami ni James, maipapaliwanag ko na rin sa kanya ang lahat, maaayos na din ang lahat at magkakasama na ulit kami.
Kinabukasan, maaga akong gumising. Makikita ko na rin siya. Pagkalabas ko nakita ko si Sam, kinawayan niya ako.
Sam: Handa ka na ba?
Devon: Salamat Sam ha.
Sumakay na ako sa kotse niya.
Sam: Kapag malapit na ako, dun nalang ako sa kabilang kalye ha, baka kasi makita pa ako ni James at baka ano na naman isipin niya. (ngiti)
Devon: Salamat talaga Sam ha.
Sam: Wala yun, basta ikaw, malakas ka sakin eh, basta andito lang ako para sayo.
Nagulat naman ako sa sinabi niya.
Devon: Anong ibig mong sabihin Sam?
Sam: Ahh, I mean what are friends for diba?
Excited ako, makalipas ang isang oras narating na rin namin ang bahay na inuupahan niya. Huminto kami sa kabilang kalye gaya ng sabi ni Sam. Lumabas na ako ng kotse. Tinawag ako uli ni Sam.
Sam: Devon! Kaya mo yan.
Devon: Salamat!
Maraming tao sa daan, marami ding sasakyan. May lalaking lumabas sa bahay, nakita ko rin si James sa wakas. Papatawid na ako nang may tumulak sa likod ko. Ang ingay ng paligid, pagkabagsak ko sa lupa, nakita ko yung kotse ni Sam na nakabukas. May mga taong nagsisigawan, hindi ko alam ang nangyari. May nabundol ng kotse, tinulungan ako ng mga taong tumayo. Nakita ko si James, niyakap niya ako at nakita ko si Sam na duguan.
No comments:
Post a Comment