Thursday, June 2, 2011

KOREA: Chapter 5- Seokchon Lake Park

Sam’s POV

            Buong araw na akong nahihintay ng tawag. Tatawag pa kaya siya? Hindi ko man lang nakuha ang pangalan niya. Pero may iba akong nararamdaman, parang gumaan pakiramdam ko.

            “Bakit ngayon ka lang tumawag?”

            “Sir, marami po kasing ginagawa sa resto.”

            “Anong pangalan mo?”

            “Devon po.”

            Dama ko sa boses niya ang pagod.

            “Sige, magkita tayo bukas, alas syete ng gabi.”

            “Saan naman po sir?”

            “Sa Seokchon Lake Park.”

            Ibinaba ko na ang telepono, nakaramdam ako ng saya. Ewan ko kung bakit. Isa lang ang alam ko, gusto ko na siyang makita.

6:30pm

Seokchon Lake Park

            Maaga akong pumunta doon, hinihintay ko siya sa harap ng park. Paano kung hindi siya dumating? Paano kung naghihintay lang naman pala ako sa wala?

            7:45pm na. Wala pa rin siya. Pero hinihintay ko pa rin siya, tinawagan ko yung cellphone niya pero walang sumasagot, ring lang ng ring. Ano na kaya nangyari dun?

            Alas-otso na ng gabi, wala pa rin siya. Hindi na siguro ako sisiputin nun, niloko lang pala ako ng babaeng yun. Uuwi nalang ako. Naghintay ako ng taxi, hindi ko kasi dala yung kotse ko. Nakasakay na ako ng taxi, sinubukan kong tawagan siya ulit. Nakaramdam ako ng vibration, nung tinignan ko kung ano yun, nakakita ako ng cellphone na nakasingit sa likod ng upuan. nang kinuha ko yun, puro missed calls. Agad kong tinanong yung driver kung saan huling bumaba yung pasahero niya. Sa kabilang bahagi daw ng park. Bumaba ako ng taxi. Hinanap ko si Devon. Inikot ko yung buong park, sa di kalayuan, nakita ko si Devon, nakaupo siya sa tabi at mukhang malungkot. Lumapit ako sa kanya.

Sam: Devon.

            Tumingin siya sakin at lumapit agad.

Devon: Sorry Sir, kasi po---

            Napatigil siya sa pagsasalita nang ipakita ko sa kanya ang cellphone niya. Bigla siyang napangiti. Ngiting hindi ko inaasahang makapagbabago ng buhay ko.

No comments:

Post a Comment