James’ POV
Naaalala ko pa noon, ang unang pagkikita namin ni Devon.
Nagmamadali siya noon, nasa isang Bus Terminal kami, may kasama siyang isang batang lalaki. Ang dami nilang bagahe, halatang galing sa malayong lugar. Biglang may nakabangga silang isang lalaki kaya nahulog yung mga dala niya. At bigla akong natauhan, lumapit ako sa kanila.
James: Miss, ikaw ba si Devon?
Devon: Oo, ikaw ba si James?
Dinala ko yung mga bagahe nila.
James: Oo, ako si James. Ako yung inutusan ni Tita Menchie na sunduin kayo.
Devon: Salamat James ha.
At nginitian niya ako ng ubod ng tamis. Ngayon lang ako nakakita ng ganung ngiti. Parang natunaw ang puso ko ng mga sandaling iyon. Napukaw ako nang kinalabit niya ako.
Devon: James, okay ka lang?
James: Sorry, okay lang ako. Tara. (ngumiti)
Kapatid ng mama ko si Tita Menchie, sabi naman niya, inaanak niya si Devon. Namatay kasi ang mga magulang niya noong bata pa siya at tinutulungan ni Tita Menchie sina Devon para sa araw-araw nilang gastusin at pag-aaral. Nakatira kami sa iisang compound, kaya palagi kaming nagkikita. Pareho pa kaming 18 years old. College na ako, pero siya, hindi pa nag-aaral, graduate lang siya ng highschool. Wal asiguro silang pampaaral sa kanya. Pero may pangarap siya, ang makapuna sa Korea at maging isang magaling na chef. Hindi lang naman para sa kanya yun, para din sa kapatid niyang si Paul.
Sa simula, parang iwas kami sa isa’t-isa, pero nang lumaon, naging matalik kaming magkaibigan, hanggang sa nagka-ibigan, siguro kasi inaasar kaming dalawa at mahal ko na siya talaga. Hindi tulad ng mga naging girlfriend ko, hindi lang siya maganda, kundi maganda rin ang kalooban. Doon siguro ako natamaan sa kanya.
Hayy, ang sarap balikan ng nakaraan, pero malungkot ako ngayon, malayo kasi sya sakin eh. Pero nandito pa rin siya sa puso ko.
No comments:
Post a Comment