“I’m sorry James, pero kailangan kong umalis.”
Devon’s POV
Ako si Devon. Apat na taon na ako dito sa Korea. Apat na taong malayo sa pamilya, sa mga kaibigan at malayo sa pinakamamahal kong si James. Kailangan kasi naming maghiwalay, pangarap ko to eh, ang makatapos ng Culinary Arts. Nakapunta ako dito sa tulong ng Ninang Menchie ko. Namatay kasi yung mga magulang ko sa isang car accident eh, I was 10 years old back then. Naiwan kami ni Paul, ang kapatid ko. Mahirap ang buhay dito kaya kailangan todo sikap. Janitress ako sa umaga, at estudyante sa gabi. Medyo malungkot, pero kakayanin ko lahat para sa kapatid ko. Malungkot, kasi malayo si James.
4 years ago…
“I’m sorry James, pero kailangan kong umalis.”, I said while holding back tears.
“Devon, mahal na mahal kita. Huwag kang mag-alala, I’m willing to wait.”, at niyakap niya ako.
May kinuha sya sa bulsa niya.
Devon: Ano yan James?
James: Always wear this, okay? Tanda to ng pagmamahal ko sayo.
Isinuot ni James ang kwentas sa akin. Tumulo ang luha ko.
Devon: Palagi kong susuotin to James.
Tinatawag na ang mga pasahero bound to Korea. Nagpaalam na ako sa kanya, tiningnan ko si Paul.
Devon: Pakabait ka habang wala ako ha, si Kuya James ang bahala sayo.
Ginulo ko ang buhok niya, ngunit hindi siya sumagot sakin. Niyakap niya lang ako, hinalikan ko siya sa noo.
Devon: James, ikaw na bahala kay Paul ha.
Ngumiti ako sa kanya habang pinipigilan ang mga luhang kanina pa nagbabadyang tumulo. Kinuha ko na mga bagahe ko at yumakap ako kay James. Niyakap niya rin ako ng mahigpit. Kumalas ako at nagsimula nang lumakad palayo. Lumingon ako ulit at nakita si Paul na umiiyak, parang dinurog ang puso ko. Kumaway ako sa kanila, nginitian lang ako ni James.
“Babalik ako, hintayin mo ‘ko ha.”
No comments:
Post a Comment