Devon’s POV
Sa araw na to, dalawang beses akong natalo, sa contest at kay James. Bakit ganun? Hindi man lang siya nakinig? Hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag. Sa gabing iyon, parang gusto ko na ring sumuko. Tlad ng sinabi niya kanina, “Ayoko na Devon suko na ako sa pag-iibigang ito.” Sana panaginip nalang ito. Nilapitan ako ni Sam, inalalayan niya ako pauwi.
Sam: Sorry Devon, hindi ko sinasadya.
Hindi ako nagsalita, walang tigil ang pagpatak ng luha ko. Hindi ko naman siya masisi dahil alam ko naman talaga na hindi niya sinasadya. Pumasok na kami sa bahay.
Sam: Tahan na Devon, maaayos din ang lahat.
Iniwan na niya ako nang sinabi ko sa kanya na kaya ko na. Hindi ako makatulog, nag-aalala ako kay James.
Nasaan na kaya siya?
Ano na kaya ang nangyari sa kanya?
Saan kaya siya natutulog?
Ala-una na ng medaling araw, nagbihis ako. Hahanapin ko si James. Pagkalabas ko ng bahay, may natanaw akong kotse, kotse ni Sam. Nilapitan ko siya.
Devon: Bakit hindi ka pa umuuwi Sam?
Sam: Nag-aalala kasi ako sayo, baka kung anong gawin mo kaya binantayan kita.
Devon: Umuwi ka na Sam.
Naglakad na ako palayo, hahanapin ko si James.
Sam: Saan ka pupunta?
Tanong niya sakin habang sinusundan ako gamit ang kotse niya.
Devon: Umuwi ka na sabi eh, huwag mo na akong pakialaman.
Sam: Sumakay ka na dito Devon.
Dire-diretso lang ako sa paglalakad, kunwari’y hindi ko naririnig ang sinabi niya.
Sam: Alam kong hahanapin mo siya, sasamahan kita, delikado sa daan, huwag nang natigas ang ulo.
Naramdaman kong huminto ang kotse. Dire-diretso pa rin ako sa paglalakad nang may hmawak sa kamay ko.
Sam: Sumakay ka na.
Hinila niya ako papasok sa kotse niya. Wala na akong nagawa, pinaandar na niya ang kotse at sinimulan ang paghahanap kay James.
No comments:
Post a Comment