Thursday, June 2, 2011

KOREA: Chapter 7- Contest

Devon’s POV

            Sa araw na ito, mas nakilala ko pa si Sam. Kapag tinitignan ko sya, parang may problema siya, o sadyang ganun lang talaga ang pagkatao niya? Parang ang lungkot ng buhay niya. Ang ganda at ang laki ng bahay niya, pero siya lang mag-isa. sa paglipas ng mga araw, mas naging malapit kami. mas nakilala ko siya, kung anong nangyari sa mga magulang niya, ang trabaho niya, at wala nang iba. kapag tinatanong ko siya tungkol sa pag-ibig, tumatahimik lang siya. Parang may mapait siyang nakaraan na ayaw niyang pag-usapan. Pero kahit papano, ang supladong si Sam, ang lalaking palaging nakasimangot, nakikita ko nang ngumingiti. Nagbibiro na rin siya sa tuwing nagkakasama kami. Parang kilalang-kilala ko na siya kahit pitong araw pa lang kaming magkakilala, magaan na rin ang loob ko sa kanya.

Ilang araw na rin akong nagpa-practice magluto. nalibot na rin namin ang buong Seoul sa pagbili ng mga ingredients at mga recipe books.

Sam: Devon salamat ha.
Devon: Salamat saan?
Sam: Sa lahat lahat.
Devon: Wala yun Sam.

            Nakita ko muli siyang nakangiti. Mamayang hapon na ang cooking contest, kinakabahan ako. Alas tres ng hapon, sinundo ako ni Sam. Mas lalo siyang gumwapo dahil sa formal attire niya. Alas singko pa ang contest.

Sam: Eto na Devon.
Devon: Oo nga eh, kinakabahan na ako.
Sam: Goodluck mamaya ha.
Devon: Salamat Sam.

5:00pm
Cooking Contest

            Simula na ng contest, mukhang magagaling yung mga kalaban ko. Inalala ko yung recipe book, inalala ko yung practice, pangarap ko to diba? Ang maging isang sikat na chef, kaya gagalingan ko to, pagkakataon ko na to. Hinanap ko si Sam sa audience at nakita ko siyang nakangiti.

            Alas syete, tapos na ang contest, pero hindi ako nanalo. Kumain muna kami ng hapunan bago niya ako hinatid sa bahay.

Sam: Tapos na ang contest, makikita pa kaya kita?
Devon: Oo naman, puntahan mo lang ako sa resto, at promise ko, hindi na kita tatapunan ng tubig.

            Napangiti ko na naman siya.

Sam: Salamat Devon ha sa mga oras na nakasama kita.

            Tumingin siya sa mga mata ko at bigla niya akong niyakap.

Sam: Pinasaya mo ako Devon.

            Niyakap niya ako sa harap ng bahay, nabigla ako sa mga nangyari. Pero may narinig akong nagsalita.

            “Devon?”

            Agad akong bumitaw sa yakap ni Sam. Nakita ko ang nagsalita sa likod niya.

            “James?”

            Nagulat ako, tumakbo siya palayo. Hinabol ko siya pero hindi ko na siya maabutan.

KOREA: Chapter 6- Practice

            Sa gabing iyon, ang daming nangyari, pero isa lang ang hindi ko makakalimutan, ang babaeng pumasok sa buhay ko. Ang kanyang mga mata, ang kanyang ngiti. Parang bumilis ang tibok ng puso ko, sa bawat salita niya, sa bawat galaw niya, naaalala ko si Coleen, ang babaeng minahal ko ng totoo. Sa tuwing nakikita ko si Devon, bumabalik sa akin ang mga alaala nung magkasama pa kami ni Coleen, nung mga sandaling masaya kami, nung mga panahong buhay pa siya.

Devon:  Sir Sam, ano pong gagawin ko?
Sam: Sasali ka sa Cooking Contest.
Devon: Pero Sir, hindi po ako ganun kagaling.
Sam: Hindi ko naman sinasabi na galingan mo eh, ang sabi ko sumali ka lang.

            Natahimik siya.

Sam: Next week pa yung contest, so makakapag-practice ka pa, kung gusto mo lang.
Devon: Eh Sir Sam, wala po akong mga gamit.
Sam: Dun ka nalang sa bahay ko magluto.

            Binigay ko sa kanya yung address ko.

Sam: Bukas ng alas dyes ng umaga.

            Tumalikod na ako at umalis, kahit gusto ko pa siyang makasama at kahit gusto ko pa siyang titigan. Magaan ang loob ko sa kanya. Parang napupunan niya kasi ang pangungulila ko kay Coleen.

            Maaga akong gumising, inayos ko yung bahay, at naghanda ako ng makakain para sa aming dalawa. Narinig kong may nag-doorbell. Dali-dali kong binuksan yung pinto, at nakita ko siyang muli. Ang ganda ng kanyang mukha, ang tamis ng kanyang boses, ang kanyang mahaba at tuwid na buhok, lahat lahat na. Naalala ko na naman sa kanya si Coleen.

Devon: Hi Sir Sam. (ngiti)
Sam: Sam nalang itawag mo sakin.

            Pinapasok ko siya at kumainmuna kami ng tanghalian.

Sam: Dito ka magparactice magluto.

            May inabot ako sa kanya, yung recipe book na binili ko kagabi. Ang tagl ko nang hindi nararamdaman to, yung sobrang saya, sa tuwing tinitingnan ko siya pakiramdam ko kasama ko uli si Coleen. Natamaan na ata ako, dahil ba naaalala ko sa kanya si Coleen? o sa kanya mismo? Basta ang alam ko masaya ako at hindi ko na papalampasin ang pagkakataong lumigaya ulit ako. Dahil ang pag-ibig, minsan lang dumating kaya hindi mo na dapat ito pakawalan. Kung hindi, baka pagsisihan mo lang.

KOREA: Chapter 5- Seokchon Lake Park

Sam’s POV

            Buong araw na akong nahihintay ng tawag. Tatawag pa kaya siya? Hindi ko man lang nakuha ang pangalan niya. Pero may iba akong nararamdaman, parang gumaan pakiramdam ko.

            “Bakit ngayon ka lang tumawag?”

            “Sir, marami po kasing ginagawa sa resto.”

            “Anong pangalan mo?”

            “Devon po.”

            Dama ko sa boses niya ang pagod.

            “Sige, magkita tayo bukas, alas syete ng gabi.”

            “Saan naman po sir?”

            “Sa Seokchon Lake Park.”

            Ibinaba ko na ang telepono, nakaramdam ako ng saya. Ewan ko kung bakit. Isa lang ang alam ko, gusto ko na siyang makita.

6:30pm

Seokchon Lake Park

            Maaga akong pumunta doon, hinihintay ko siya sa harap ng park. Paano kung hindi siya dumating? Paano kung naghihintay lang naman pala ako sa wala?

            7:45pm na. Wala pa rin siya. Pero hinihintay ko pa rin siya, tinawagan ko yung cellphone niya pero walang sumasagot, ring lang ng ring. Ano na kaya nangyari dun?

            Alas-otso na ng gabi, wala pa rin siya. Hindi na siguro ako sisiputin nun, niloko lang pala ako ng babaeng yun. Uuwi nalang ako. Naghintay ako ng taxi, hindi ko kasi dala yung kotse ko. Nakasakay na ako ng taxi, sinubukan kong tawagan siya ulit. Nakaramdam ako ng vibration, nung tinignan ko kung ano yun, nakakita ako ng cellphone na nakasingit sa likod ng upuan. nang kinuha ko yun, puro missed calls. Agad kong tinanong yung driver kung saan huling bumaba yung pasahero niya. Sa kabilang bahagi daw ng park. Bumaba ako ng taxi. Hinanap ko si Devon. Inikot ko yung buong park, sa di kalayuan, nakita ko si Devon, nakaupo siya sa tabi at mukhang malungkot. Lumapit ako sa kanya.

Sam: Devon.

            Tumingin siya sakin at lumapit agad.

Devon: Sorry Sir, kasi po---

            Napatigil siya sa pagsasalita nang ipakita ko sa kanya ang cellphone niya. Bigla siyang napangiti. Ngiting hindi ko inaasahang makapagbabago ng buhay ko.

KOREA: Chapter 4- Distance

            Mahirap talaga kung yung taong mahal mo ay malayo sa piling mo. Araw-araw parati mo  iniisip kung okay lang ba sila. Lagi ko na lang iniiip na magiging okay lang ang lahat. Butinalang may cellphone at internet, sa umaga, tinitingnan ko palagi ang phone kung may text ba sina James at Paul. Malaman ko lang na okay sila, masaya na ako. Marinig ko lang boses ni James, napapawi na ang lungkot ko. Makita ko lang text ni Paul, nawawala na lungkot ko. Konting tiis nalang. Tumawag si James, ala-una ng madaling araw dito at saktong alas-dose ng hatinggabi sa Pilipinas.

Devon: Oh, ba’t ka napatawag?
James: Devon, may kailangan kang malaman.

            Kinabahan naman ako bigla sa tono ng pananalita nya. Biglang bumilis tibok ng puso ko.

Devon: Ano yun James?
James: Devon, kailangan mo kasing malaman na…

            Napahawak ako ng mahigpit sa kumot ko ng mga oras na yun. Nagsalita siya ulit.

James: Kailangan mo kasi malaman na 4 years na tayo. I love you Devon.

            Nawala yung kaba sa dibdib ko at nakahinga ako ng maluwag. Napalitan ng lungkot at saya. Lungkot kasi malayo kami sa isa’t-isa at saya dahil hanggang ngayon, hinihintay pa rin ako ni James. Nagsimula nang tumulo yung mga luha ko.

Devon: James pinakaba mo ko. Happy Anniversary din. I love you too James.
James: I’m still here for you Devon, maghihintay pa rin ako sayo, hindi ako magsasawang mahalin ka, basta tandaan mo lang, may James na naghihintay sayo.
Devon: Thank you James, I love you very much. Walang ni isang araw nahindi ko inisip na na magkikita ulit tayo.

KOREA: Chapter 3- Fastfood Chain

Sam’s POV

            Ako si Sam. Matagal na ako dito sa Korea. Pinadala kasi ako ng kumpanya para maging manager nila dito. Sobrang dami ng trabaho, kaya wala na akong oras para sa sarili ko. I’m already 23 years old pero wala pa ring nagbago, mag-isa pa rin ako. I was the only child, hindi ko naman alam kung nasaan ang mga magulang ko, kung buhay pa ba sila o kung patay na. Lumaki kasi ako sa lolo at lola ko, wala naman silang sinasabi tungkol sa kanila. Kulang siguro ako sa pagmamahal, sa yakap ng isang ina, sa haplos ng isang ama. Yun siguro ang dahilan kung bakit malungkot ako, hindi ko kasi alam kung paano magmahal at mahalin.

            Maraming nagsasabing masungit ako, mainitin ang ulo.

            “Maghanap ka ng aspiring chef dito sa Korea, kailangan natin ng maraming participants sa event.”, utos ko sa secretary ko’ng Pinoy din.

            Kailangan kasi ng mga sasali sa contest at wala pang nagpapa-register sa amin. Mahirap talaga kapag nagtatrabaho ka sa isang event company. marami kang dapat intndihin.

            “Sir, malapit na po yung Cooking Contest. Apat pa lang po ang sumali, kulang pa tayo ng isa.”, sabi ng secretary ko.

            “Kailangan makakuha ka na ngayon din.”

            “Pero Sir, napuntahan na namin lahat ng restaurants dito sa Seoul.”

            “Bahala ka, problema mo na yun.”

            Pagkatapos nun ay umuwi na ako, dumaan muna ako sa isang fastfood chain. Habang nasa loob ako, may nakabangga akong isang babae. Natapunan ako ng tubig.

            “What the!”

            “I’m sorry Sir, I’m very very sorry.”

            Nasangga kasi ng panlinis niya yung baso ko.

            “Where’s your store manager?”

            “Sir, I’ll do everything, just don’t tell my manager. I’m so sorry.”

            “No! Where’s your manager?”

            Bigla siyang nagsalita ng mahina pero narinig ko pa rin.

            “Naku, panu na yan?”

            “Miss, pinay ka?

            “Opo Sir, sorry na po Sir.”

            “Sabi mo kanina gagawin mo lahat?”

            “Opo Sir, kailangan kop o tong trabahong to.”

            Kinuha ko ang wallet ko at binigyan siya ng calling card.

            “Tawagan mo ko bukas.”

            “Sir ano pong gagawin ko?”

            “Marunong ka bang magluto?

            “Hindi po masyado.”

            “Isasali kita sa Cooking Contest.”

            “Pero Sir..”

            Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil tumalikod na ako at iniwan siya. Lumingon ulit ako.

            “Tawagan mo ko bukas ha.”

            Naglakad ako sa sidewalk papunta sa kotse ko. Napangiti ako. Ewan ko kung bakit.

KOREA: Chapter 2- Bus Terminal

James’ POV

            Naaalala ko pa noon, ang unang pagkikita namin ni Devon.

            Nagmamadali siya noon, nasa isang Bus Terminal kami, may kasama siyang isang batang lalaki. Ang dami nilang bagahe, halatang galing sa malayong lugar. Biglang may nakabangga silang isang lalaki kaya nahulog yung mga dala niya. At bigla akong natauhan, lumapit ako sa kanila.

James: Miss, ikaw ba si Devon?
Devon: Oo, ikaw ba si James?

            Dinala ko yung mga bagahe nila.

James: Oo, ako si James. Ako yung inutusan ni Tita Menchie na sunduin kayo.
Devon: Salamat James ha.

            At nginitian niya ako ng ubod ng tamis. Ngayon lang ako nakakita ng ganung ngiti. Parang natunaw ang puso ko ng mga sandaling iyon. Napukaw ako nang kinalabit niya ako.

Devon: James, okay ka lang?
James: Sorry, okay lang ako. Tara. (ngumiti)

            Kapatid ng mama ko si Tita Menchie, sabi naman niya, inaanak niya si Devon. Namatay kasi ang mga magulang niya noong bata pa siya at tinutulungan ni Tita Menchie sina Devon para sa araw-araw nilang gastusin at pag-aaral. Nakatira kami sa iisang compound, kaya palagi kaming nagkikita. Pareho pa kaming 18 years old. College na ako, pero siya, hindi pa nag-aaral, graduate lang siya ng highschool. Wal asiguro silang pampaaral sa kanya. Pero may pangarap siya, ang makapuna sa Korea at maging isang magaling na chef. Hindi lang naman para sa kanya yun, para din sa kapatid niyang si Paul.

            Sa simula, parang iwas kami sa isa’t-isa, pero nang lumaon, naging matalik kaming magkaibigan, hanggang sa nagka-ibigan, siguro kasi inaasar kaming dalawa at mahal ko na siya talaga. Hindi tulad ng mga naging girlfriend ko, hindi lang siya maganda, kundi maganda rin ang kalooban. Doon siguro ako natamaan sa kanya.

            Hayy, ang sarap balikan ng nakaraan, pero malungkot ako ngayon, malayo kasi sya sakin eh.  Pero nandito pa rin siya sa puso ko.

KOREA: Chapter 1- Airport

“I’m sorry James, pero kailangan kong umalis.”

Devon’s POV

Ako si Devon. Apat na taon na ako dito sa Korea. Apat na taong malayo sa pamilya, sa mga kaibigan at malayo sa pinakamamahal kong si James. Kailangan kasi naming maghiwalay, pangarap ko to eh, ang makatapos ng Culinary Arts. Nakapunta ako dito sa tulong ng Ninang Menchie ko. Namatay kasi yung mga magulang ko sa isang car accident eh, I was 10 years old back then. Naiwan kami ni Paul, ang kapatid ko. Mahirap ang buhay dito kaya kailangan todo sikap. Janitress ako sa umaga, at estudyante sa gabi. Medyo malungkot, pero kakayanin ko lahat para sa kapatid ko. Malungkot, kasi malayo si James.

4 years ago…

“I’m sorry James, pero kailangan kong umalis.”, I said while holding back tears.
“Devon, mahal na mahal kita. Huwag kang mag-alala, I’m willing to wait.”, at niyakap niya ako.

            May kinuha sya sa bulsa niya.

Devon: Ano yan James?
James: Always wear this, okay? Tanda to ng pagmamahal ko sayo.

            Isinuot ni James ang kwentas sa akin. Tumulo ang luha ko.

Devon: Palagi kong susuotin to James.

            Tinatawag na ang mga pasahero bound to Korea. Nagpaalam na ako sa kanya, tiningnan ko si Paul.

Devon: Pakabait ka habang wala ako ha, si Kuya James ang bahala sayo.

            Ginulo ko ang buhok niya, ngunit hindi siya sumagot sakin. Niyakap niya lang ako, hinalikan ko siya sa noo.

Devon: James, ikaw na bahala kay Paul ha.

            Ngumiti ako sa kanya habang pinipigilan ang mga luhang kanina pa nagbabadyang tumulo. Kinuha ko na mga bagahe ko at yumakap ako kay James. Niyakap niya rin ako ng mahigpit. Kumalas ako at nagsimula nang lumakad palayo. Lumingon ako ulit at nakita si Paul na umiiyak, parang dinurog ang puso ko. Kumaway ako sa kanila, nginitian lang ako ni James.

            “Babalik ako, hintayin mo ‘ko ha.”