Thursday, February 10, 2011

It Has Always Been You: Chapter 22- Goodbye

3 years later…

October 9, 2013

                They graduated with flying colors. They were one of the honor students of their institute. Si Sam naman ang naging Magna Cum Laude sa Gems University. Sam inherited his family’s business. Secretary niya si Devon, kinuha niya si Devon as his secretary dahil na rin best friend niya ito. Kahit secretary siya ni Sam, binigyan siya nito ng sariling opisina. Sina Bret at Fretzie naman ay nagpakasal na last year, and she’s currently carrying their first child. Magkasama din silang nagtatrabaho sa kompanya ni Sam. Si Yen naman, nagtatrabaho sa kompanya ng auntie niya, pero malapit lang ito sa kompanyang pinagtatrabahuhan ng mga kaibigan. They were indeed successful in their studies and in their careers. Marami na rin ang nagbago sa mga buhay nila.

                Nagmumuni-muni si Devon at nakatingin lang siya sa labas ng bintana ng office niya. Naputol ito ng may kumatok sa pinto at bumungad si Sam.

Devon: Tots! May kelangan ka ipagawa?
Sam: Oo sana eh. I was wondering if you can call my Honeybunch for me? (smiled sweetly)
Devon: Why me? Call her yourself. (asar niya sa best friend)
Sam: Hindi ko kasi sya ma-contact eh. Please? (lumuhod sa tabi niya at tila nagdadasal)
Devon: Ayoko nga! (laughed)
Sam: Tots naman eh! Sige----

                Biglang naputol ang sasabihin niya nang tumunog ang phone niya. Kinuha ito sa bulsa niya at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Sam: Yes! I think I don’t need your help anymore my helpful secretary and my ever loyal bestfriend! (asar niya kay Devon)
Devon: Hmpf! And why? (crossed-arms)
Sam: She’s already calling me. (winagayway ang phone niya)
Devon: O sige na, sagutin mo na baka i-off pa yan, sige ka! (laugh)

                Lumabas si Sam sa opisina niya at sinagot ang tawag ng nobya.

                “Haaay, it’s been three long years. Ang dami nang pagbabago sa buhay namin. Three years ago, kasama pa namin si Ivan. Three years ago, nang malaman ko ang nararamdaman ni Yen para kay Ivan, akala ko magagalit sa akin ng todo si Yen, but we remained good friends until now. Three years ago, nang nahihirapan pa ako kung paano i-e-explain kay Sam ang lahat. And three years ago, nang nandito lang lagi si James sa tabi ko at tinatawag akong ‘partner’. Pero ngayon, asan na kaya siya? I really miss my partner. Hindi ko alam pero bakit hanggang ngayon eh hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ko sayo.”

Fretzie: Devs!

                Napalingon si Devon sa pintuan nang marinig ang sigaw ng kaibigan na nagpagulat sa kanya.

Devon: Ikaw talaga Fretz! Kung makatawag naman ng pangalan ko, parang isang kilometro ang layo natin!
Fretzie: Sorry naman. Haha
Devon: Ano pinunta mo dito? May kelangan ka?
Fretzie: Bakit? Dapat ba may kelangan ako para bisitahin ang kaibigan ko? Hayaan mo na nga lang ako, alam mo naman na ikaw lang parati kong kasama eh, nandun kasi si Yen sa ibang kompanya.
Devon: O siya, sorry na, nag-drama ka na naman! (smiled)

                Pumunta si Fretzie sa harap ng desk niya at may nilapag na mga papel.

Devon: Ano toh? (pinulot ang mga papel at tiningnan)

                Lumiwanag ang mukha niya at inilipat kay Fretzie ang tingin.

Fretzie: It’s a boy Devs! (lumapit kay Devon at niyakap ang kaibigan)
Devon: Congrats Fretz! I’m so happy for you!

                Matagal din silang nagyakapan at tyempo namang pumasok si Bret.

Bret: Hey girls, what’s the commotion? (lumapit sa asawa at hinalikan)
Fretzie: I just got my ultrasound result bun. And guess what? (pambibitin sa asawa)
Bret: What?! (halatang excited na)
Fretzie: It’s a boy!
Bret: What?! A boy?! Oh my God! (niyakap si Fretzie, kinarga at pina-ikot-ikot)

                Nakatanaw si Devon sa mga kaibigan. Masayang-masaya siya para sa mag-asawa. Sino ba mag-aakala na magkakatuluyan ang dalawa? Eh parang aso’t-pusa ang mga ito noon. Napalis ang ngiti niya sa labi nang makita ang yakapan ng mag-asawa. Natandaan niya kasi ang mga yakapan nilang ganun ni James. Napansin naman ng mag-asawa ang biglaang katahimikan niya. Lumapit sila kay Devon at pinahid ni Fretzie ang mga luha niya. Napukaw siya sa ginawa ni Fretzie.

Devon: I’m sorry. Hindi ko namalayan na napaiyak na pala ako. I’m sorry I spoiled the moment. (pinahid ang luha niya at ngumiti)
Fretzie: No Devs, okay lang. Let it out. (hinagod ang likod ni Devon)
Bret: Right Devs, but don’t get me wrong ha, but I guess it’s time to move on.
Devon: I am moving on. Pero ewan ko kung bakit but I still love him despite what he did. (tumulo na naman ang mga luha niya)
Fretzie: Maybe you have to date someone else. Go out with other guys. Take your time at huwag mo lang madaliin.
Bret: I’m sure you’ll get by. Si Sam nga eh na minahal ka since your childhood, nagawang magmahal ng iba. Ikaw pa kaya?
Fretzie: Tama si Bun Devs. You should move on.
Devon: I will. I’m sorry if I dragged you on this. Hindi niyo na dapat inaalala ang mga ganitong bagay, this is my problem, I should face it myself.
Fretzie: Gusto mo batukan kita? Para ano pang naging kaibigan mo kami? Ha?
Bret: Oo nga naman Devs, what are friends for? (smiled)
Devon: Sorry na. I just thought na hindi niyo na dapat iniisip ang problema ko. Don’t worry, gagawin ko lahat makalimutan lang siya. (smiled)
Bret: Hey, it’s lunch time na. Tara kain tayo.
Devon: Sige tara! Daanan nalang natin si Sam sa office niya.

                Pumunta sila sa office ni Sam at niyaya mag-lunch. Tinext na din nito ang nobya na magkita nalang sila sa restaurant na palaging kinakainan nila. Ito pa rin ang restaurant na paborito nilang kainan noong nasa college sila. Nasa loob na sila nang dumating na ang hinihintay nila, ang girl friend ni Sam. Kinawayan nila ito at patungo na ito sa table nila.

Yen: Hi guys! Sorry natagalan ako. (umupo sa tabi ni Sam at hinalikan ang nobyo)
Fretzie: Okay lang Yen, kararating lang din namin eh.
Sam: So, ano gusto niyo orderin?
Devon: Just like before, I still prefer Back Ribs and iced tea. (smiled)
Bret: Hindi ka pa rin nagbabago Devs. Samin naman ni Bun is Seafood Carbonara, Back Ribs, and mango shake.
Fretzie: Bun, I want watermelon shake.
Bret: Oo nga pala. Gustong-gusto niya ang watermelon these past few days. I had to find watermelon in the middle of the night sometimes. (natatawa niyang sabi)
Fretzie: Ibuko ba ako? (nakasimangot niyang sabi)
Yen: Hala ka Bret! Nagtampo misis mo. Haha.
Bret: Sorry na Bun, I’m just joking. O siya, um-order na tayo, nagugutom na si Baby oh. (sabay haplos sa tiyan ni Fretzie na halatang-halata na ang umbok)
Sam: Sayo Honeybunch? (baling kay Yen sabay ngiti)
Yen: Hmm.. Maybe Buttered Chicken will do, and iced tea na rin. (smiled at him)

                Um-order na sila. Nagkwe-kwentuhan sila nang mapansin ni Yen ang katahimikan ni Devon.

Yen: Devs, are you okay?
Devon: Oo naman. Bakit mo naman natanong?
Yen: Wala lang, napansin ko lang na tahimik ka. It’s not the usual you.
Sam: Yeah, naging ganyan ka na for three years, since James left.
Fretzie: Please bring our friend back. Bring the old Devon back.
Bret: I’m not forcing you to forget him the soonest, ang sinasabi lang namin, you can’t be like that forever.
Devon: I’m sorry guys, marami lang kasi tayong alaala ditto sa restaurant na to, noong nandito pa si James. I even remember nung nagalit ako sa kanya kasi sinabayan niyang kumain si Ann tapos tinanggihan niya tayo. (napatawa ng konti)
Yen: Pero iniwan ka nalang niya ng basta-basta Devs, nagpaalam lang siya sa sulat and I think it’s not enough.
Fretzie: Oo nga, ni kay Ivan hindi siya nagpaalam ng maayos.
Sam: Maybe it’s just too urgent that he have to fly to Australia the soonest as possible. (depensa niya sa kaibigan)
Bret: Yeah, as what he stated on his letter, hindi niya rin gustong gawin to.
Devon: But he said goodbye to me. (napaiyak siya)
Fretzie: Goodbye? Wala naman siyang sinabing goodbye sa letter niya ah.
Devon: May isa pa siyang letter na ginawa, exclusively for me. Iniwan niya sa lamesa ni Ivan noong nasa hospital pa ito. Hindi ko lang sinabi sa inyo. And I’m sorry for that.
Yen: What?! Do you still have theletter? Pwede pabasa?

                Kinuha niya ang letter ni James sa wallet niya.

Dear Partner,
                I’m sorry that I have to say Goodbye through this letter. My dad called and said that I have to be there because he needs me regarding our business. Hindi ko sana susundin ang gusto niya pero I don’t want to let him down. Kinausap na rin niya si Dean, and I can get my diploma daw even though I can’t attend the graduation at hindi ko natapos ang semester. My grades are good enough and I can go without finishing it at hindi ko alam kung kelan ako babalik o babalik pa ba ako. I want to say Thank You for those times that you make me laugh, those times na nailalabas ko ang tunay kong nararamdaman. You are one great friend. I’m really sorry for those times that I irritate you, during our rehersals, and I’m sorry sa mga pagkakataong hindi kita masyado pinapansin. What can I do? Hindi ko naman pwedeng agawin ka kay Ivan. Yes Devon, gusto kitang agawin kay Ivan but he is my friend, a good friend of mine and I don’t want to hurt him. Ayokong magkalamat ang pagkakaibigan namin ng dahil lang sa babaeng pareho naming mahal, so I gave you up. But one thing is for sure, I will never be able to love someone else as much as I love you, because for me, you’re the only girl I’ve fallen in love with and the only girl I will love. And now, I can freely say what I wanted to say 5 long years ago. I love you Devon, my partner. And I think this is Goodbye.But if God give me a chance, I’ll pursue you. I promise Partner.
                                                                                                                                Loving you forever,                                                                                                                                James

*******************************************

It Has Always Been You: Chapter 21- Man-to-man Talk

Devon: What are you trying to say?
Ivan: Alam ko naman eh na si James ang mahal mo. I was blinded by my love for you kaya naging selfish ako, pero hindi ko talaga gustong hadlangan ang kaligayahan ninyong dalawa. I’m so sorry.
Devon: Shhh. Naging Masaya naman akong makasama ka. (hinaplos ang mukha ng binata then smiled)
Ivan: Can I ask you a favor?
Devon: What is it?
Ivan: Can I still call you Babe? Kahit hindi na kita girlfriend?
Devon: Yun lang ba? Okay, nasanay na din naman ako eh na tinatawag mo kong babe. (smiled)

                Nagkatawanan ang dalawa. Napahinto sila nang tumunog ang phone ni Devon.

Sam: Tots, nandito na’ko sa Jollibee. San ka na?

Ivan: Sino yun?
Devon: Si Sam. I was supposed to meet him to talk things over.
Ivan: Talk things over?
Devon: Oo nga pala. I think you should know. Ganito kasi yun. When we were young, we made a promise to each other before I leave him sa province namin. I promised that he will be my first boyfriend. Pero nalaman niya na boyfriend kita, so may konting tampo siya sa’kin. He said he should be my first boyfriend, sabi din niya hindi daw counted yung relationship natin kasi napilitan lang daw ako na sagutin ka. But please believe me Ivan, pinilit kong mahalin ka as my boyfriend.
Ivan: Alam niya na napilitan ka lang na sagutin ako?
Devon: Yeah, kasi in-explain ko sa kanya para hindi siya magalit sakin. After all, he’s my best friend.
Ivan: Do you love him?
Devon: Yeah, but as a best friend. Nothing more.
Ivan: Then you should tell him na hindi pwedeng maging kayo.
Devon: Pero hindi ko alam pano sabihin.
Ivan: Can I ask you a favor?
Devon: Na naman? Anything, basta kaya ko. (smiled)
Ivan: Papuntahin mo si Sam dito. May gusto rin kasi akong sabihin sa kanya eh.
Devon: Okay. Text ko lang siya. (nagtaka man, tinext ni Devon si Sam)

                Bumalik na sa loob ang mga kaibigan niya at ang mga magulang ni Ivan. May kumatok sa pinto at iniluwa nito si Sam. Pinakilala ni Devon si Sam sa mga magulang ni Ivan.

Ivan: Mom, Dad, Guys, gusto ko sana makausap si Sam.
Mom: Okay son, lalabas muna kami.

                Lumabas na naman sila at nagpaiwan si Devon.

Ivan: Babe, leave it to me.
Devon: Sigurado ka?

                Tumago si Ivan at lumabas na si Sam. Naguguluhan man si Sam, pumunta siya sa tabi ni Ivan at umupo sa silya sa tapat ng kama ni Ivan.
Sam: What’s wrong dude?

Ivan: I know hindi mo pa alam ang tungkol sa sakit ko. I have Leukemia dude, and I only have few months to live.
Sam: What?! (gulat na sabi ni Sam)
Ivan: Yes dude. At may isang bagay sana akong ipapakiusap sayo.
Sam: Ano yon?
Ivan: Please set Devon free. Alam ko na ang tungkol sa kasunduan ninyo. But she doesn’t love you man, she loves someone else.
Sam: Wait. Sino? (naguguluhan pa rin)
Ivan: Si James.
Sam: Kaya pala, iba kasi ang mga ngiti at titig niya kay James eh. (nalungkot sa nalaman)
Ivan: Napansin mo rin pala.
Sam: Eh ba’t ikaw? Girlfriend mo siya diba? Hindi ka ba nasasaktan sa nalaman mo?
Ivan: Masakit, pero hindi ko naman gustong hadlangan ang kaligayahan niya. So I set her free. I told her to be happy with James, pero inaalala ka niya.
Sam: She’s my bestfriend, and I love her since then. Pero tanggap ko naman eh kung sakaling ano man ang maging desisyon niya. Hindi ko na muna siya kinukulit this past few days kasi alam ko seryoso siya sa studies niya, lalo na ngayon na graduating na tayo. Wait, pano ka pupunta’ng school?
Ivan: M mom already talked with the Dean. Sinabi na niya ang tungkol sa kalagayan ko. I decided to stop, useless din naman eh. Susulitin ko nalang ang mga nalalabing araw ko. (smiled)
Sam: I admire you dude, iba nag tatag mo. Sorry nga pala sa mga sinabi k okay Devon, I assume alam mo na?
Ivan: Yeah, alam ko na. Tama ka naman eh, maituturing na hindi counted ang relasyon naming dahil napilitan lnag siya.
Sam: But she loves you too.
Ivan: As a friend. At tanggap ko iyon.
Sam: Inggit nga ako sayo eh kasi naging girlfriend mo siya kahit sandali lang.
Ivan: Don’t be. I regret those times that she’s with me pero she thinks someone or something else.
Sam: Anyway, salamat dude.
Ivan: Salamat din and I hope you do the same as I do.

******************************************

It Has Always Been You: Chapter 20- Freedom

October 20, 2010

Sa Hopeful Medical Center…

                Nakahilata sa kama si Ivan. Nanghihina na si Ivan sa kalagayan niya. Sinabihan na rin siya ng doctor na he has only few months to year left to live. At tanggap na niya iyon.

Mommy Eva: Son, have you told Devon about your situation? Bakit hindi ka niya binibisita?

                Kahit hindi sila nagkita ni Devon, alam na alam niya ang malaking pagmamahal ng anak sa dalaga. Palagi kasing kinukwento ni Ivan sa kanya kung gaano kabait, kaganda at ka-talented ang nobya. At nagpapasalamat siya dahil nakakita ang anak ng mamahalin at ng magmahal din sa kanya.

Ivan: I was supposed to tell her but I was rushed here in the hospital. One week na ako dito hindi ko pa rin siya tinatawagan. Ewan ko mom, I don’t want her to know what’s happening to me. She always calls me, but I refuse to answer. I’m not ready yet.
Daddy William: Well you should Son. Kelan ka pa magiging ready? Better tell her the soonest the possible.
Ivan: Pero paano kung hindi niya matanggap ang kalagayan ko Mom? What if she leaves me?
Mommy: Kung mahal ka niyang talaga, hindi ka niya iiwan anak. Unless kung nagdududa ka sa pagmamahal niya.
Ivan: No Mom. I know she loves me, the way I love her.

                Nasasaktan siyang itago ang totoong nararamdaman. Alam niyang napilitan lang si Devon na sagutin siya, oo, alam niya. Sinabi sa kanya ni Patrick. Alam niyang hindi masyadong mabait ang pinsan pero hindi magagawa nitong lokohin siya kung alam nitong masasaktan siya.
Ivan: Okay Mom,Dad, I’ll call her now. (inabot niya ang phone sa bedside table niya)

                He dialed Devon’s number and it rang.

************************************

                Napalaki ang mga mata ni Devon nang malaman kung sino ang tumatawag.

Yen: Sino yan? Ba’t parang gulat na gulat ka?
Devon: Si Ivan. (pinindot ang answer button at nagsalita)

PHONE CONVO

Devon: Hello? Ivan? Babe? Nasaan ka? (nagsimula na siyang umiyak)
Ivan: Hey babe, ngayon lang ako tumawag, umiiyak ka na. (pagak na tumawa)
Devon: Babe. I miss you. I really really do. Bumalik ka na please. (iyak pa rin siya ng iyak)
Ivan: I can’t go to school babe, I’m in the hospital.
Devon: What hospital? Pupuntahan ka namin dyan.
Ivan: Hopeful Medical Center. Room 543. I have something to tell you.
Devon: Okay. We’re on our way.
Ivan: No. I still want you to attend the class.
Devon: Walang pasok ngayon. We will be there in a minute okay?
Ivan: Okay. I love you babe. (hindi niya na rin napigilang umiyak)
Devon: I love you too babe. I really do. (lalong napaiyak)

END OF PHONE CONVO

Fretzie: Ano sabi Devs?
Devon: Nasa ospital siya. Pinapapapunta niya tayo dun. May importante daw siyang sasabihin.(pinahid ang mga luha)
Bret: What hospital?
Devon: Hopeful Medical Center, room 543.
James: Let’s go. Let’s not waste time. Partner, Yen, sakin na kayo sumabay.

                Tumayo na sila sa kinauupuan at nagtungo sa parking lot ng campus. Nakasakay sina Devon at Yen sa sasakyan ni James. Si Fretzie naman kay Bret. Halos umiiyak lahat ng babae habang kinakabahan naman ang mga lalaki.

Yen: Please stay strong Ivan. Mahal na mahal kita. And I think I can’t afford to lose you.
Devon: Wait for me Ivan. I have something important to tell you too. Sana mapatawad mo ko. I’m really sorry. I didn’t mean to hurt you like this.I love you.
Bret: Pakatatag ka dude. Huwag ka’ng mang-iwan. You’re too young to die.
Fretzie: You’ve been a very good friend Ivan. You don’t deserve this.
James: You may be my greatest competitor but I wan’t you to be alive. Hang on dude!

                Narating na nila ang ospital. Agad nilang tinungo ang kwarto ni Ivan. Nagpatiuna si Devon sa pagbukas ng pinto at tinungo ang kama ng kasintahan. Hindi alintana ang presensya ng ina at ama ng binata. Napahagulgol siya sa nakitang sitwasyon ni Ivan. Napaiyak na rin ang mga kaibigan niya nang makita ang lalaki. Nakapikit ito, tila natutulog. Nagising ito nang may marinig na iilang hikbi. Nagmulat siya ng mata.

Ivan:  Babe. You all came. (smiled weakly)
Devon: Ivan! (niyakap ang binata)
Ivan: Hey. Why are you crying?
Devon: I don’t like to see you like this.
Mommy Eva: Ehem! Ehem!
Ivan: Mom, Dad, this is Devon, my girlfriend, they are Yen, Fretzie, James and Bret, my friends. (sabay turo sa mga kaibigan)
All: Hi po Tita, Tito.
Mommy: Hi din sa inyo. Buti naman nakapunta kayo. At last, nakilala na rin kita iha. (sabay yakap kay Devon)
Ivan: She’s beautiful right Mom, Dad?
Daddy: Oh she is iho. She is. (niyakap din ang dalaga)
Devon: Sorry Tita, Tito ngayon lang kami nakapunta.
Mommy: It’s okay iha. Don’t bother. (smiled)
Ivan: Kumusta na kayo? I’ve missed you all.
Bret: We’ve missed you too dude. Hindi kumpleto ang barkada dahil wala ka.
Yen: Oo nga. It has never been the same if you’re not around. Kaya ikaw, magpagaling ka na agad para makasama ka na sa amin. (pilit na ngumiti kahit alam niyang imposible ang sinabi niya)
Ivan: Sorry huh.
Fretzie: Don’t be. (napaiyak then smiled))
Devon: Wala kang kasalanan Ivan. (hinawakan ang kamay ng binata)

                Tahimik lang si James na pinagmamasdan ang kaibigan. Parati man siyang inis dito, isang tunay na kaibigan parin ang turing niya dito.

Ivan: Mom? Dad? Guys? Mind if I talk to Devon privately?
Mommy: Not at all iho.
Bret: Dito lang kami sa labas dude.

                Lumabas na sila at iniwan ang dalawa. Nagsimula na namang umiyak si Devon.

Ivan: Don’t cry babe. It’s hurting me to see you cry because of me.
Devon: I’m sorry Ivan. I’m so sorry. (napahagulgol na naman siya)
         : May ipagtatapat ako sayo. I hope mapatawad mo pa ako.
Ivan: Kahit ano pa yan babe. Mapapatawad kita. Go on, I’ll listen.
Devon: Sorry Ivan. Niloko kita. I love you but not as my boyfriend, but as a brother. Nagawa ko lang iyon para hindi ka mapahiya sa harap ng mga tao. Please forgive me. And please believe me, mahal kita. Pero hindi lang sa paraan na gusto mo. Please forgive me. (hinawakan ang kamay ni Ivan at inihaplos sa mukha niya)
Ivan: (tumawa ng pagak) I know Devon. (smiled)
Devon: What?
Ivan: I know. Since then, alam ko na naman na you only love me as your brother pero nagpaka-selfish ako. Ginawa ko iyon sa harap ng maraming tao para wala kang choice kundi sagutin ako. Ako dapat ang humingi ng sorry dahil sa ginawa ko. (napaiyak na rin siya)

                Nagulat man sa sinabi ni Ivan, hindi niya magawang magalit sa binata. After all, she already learned to love Ivan. Pinahid niya ang mga luha ng binata.

Devon: I forgive you. Forgive me too? (smiled)
Ivan: I do. (smiled)

                Tumayo si Devon at niyakap ang binata. Nanatili sila sa ganoong posisyon ng ilang minuto.

Ivan: May iba pa pala akong sasabihin sayo Devon. About my illness. I have leukemia, and I only have few months to live.
Devon: That can’t be true. Few months? Why so short? (tumulo na naman ang luha niya)
Ivan: I stopped taking chemotherapies years ago. I just accepted my destiny. If I die today, tatanggapin ko ng maluwag sa aking puso dahil nasabi ko na sayo ang mga bagay na gusto kong sabihin.
Devon: No. Don’t say that Ivan. Live. Live for your mom and dad. Please.
Ivan: Tanggap na ni Mom and Dad ang kalagayan ko. We already talked things. Handa na sila sa kung anumang pwedeng mangyari.
Devon: I feel so guilty. I made you do all those stupid things before. (napaiyak na naman)
Ivan: No, don’t be guilty Devon. If anything, you only made me live longer. (hinawakan ang mukha ni Devon)
Devon: Tandaan mo lang lagi huh na nandito lang kami para sayo.
Ivan: But you should go on with your life Devon. Be with the one you truly love. Be with James.

                Nagulat si Devon sa sinabi ni Ivan. Nakita naman nito ang gulat sa mukha niya.

Ivan: Yes, be happy with James Devon. I’m setting you free.
_________________________________________________________________

WM: I hope nagustuhan niyo po ang chapter na to. Xensya na if hindi maxadong maganda. Comment po kayo. =)

It Has Always Been You: Chapter 19- The Revelations


                Nag-aalala na si Devon dahil one week nang absent si Ivan at hindi siya tinatawagan o tine-text man lang. Hindi rin niya ito ma-contact. Umiyak siya sa class room nila. 8am pa lang pero nasa class room na siya dahil iniisip niyang baka papasok na si Ivan at gusto niyang siya ang unang sumalubong dito, and it’s already 8:30, pero wala pa rin si Ivan. Naisip niyang hindi na naman ito papasok, dahil kung papasok man si Ivan, sinisigurado nito na 30 minutes prior to class nasa room na siya, seldom lang itong nale-late. Miss na miss na niya ang lalaki. Yes, she admits, she really misses Ivan. Nadatnan siya nina Bret at Fretzie. Silang tatlo pa lang nandoon dahil 9am pa naman ang klase nila. May natanggap siyang text.

TEXT CONVO

Sam: Tots, gud morning, hindi nako busy ngayon, cguro ds s d ryt tym 2 talk about thngs.. Kita tayo sa Jollibee sa tapat ng campus niyo mamayang lunch break. Ok? Thnx.
Devon: Ok Tots, pupunta ako.
Sam: Thnx. =)

END OF TEXT CONVO

Bret: Hey Devon. Ang aga mo yata.
Fretzie: Oo nga.
Devon: I was expecting Ivan will attend the class today. Gusto ko ako unang sasalubong sa kanya.
Fretzie: Hay naku! Hindi ko talaga ine-expect na masasaktan ka niya ng ganito! Iniwan ka na lang niya bigla sa ere!
Bret: Hey bun calm down.

WM: Sinagot na po ni Fretzie si Bret and ‘bun’ ang tawagan nila. Short for ‘bunny’.

Fretzie: How can I calm down bun? Eh nasasaktan na si Devon because of him?
Devon: Huwag ka muna magalit sa kanya Fretz, hindi naman natin alam ang nangyayari sa kanya ngayon.
Bret: But really Devs, hindi ko maisip na matitiis niyang hindi ka kontakin. And I know, mahal ka ng lalaking ‘yon.
Devon: I know, he loves me, ramdam ko, kaya nga ako nagkakaganito eh. I’m so worried, baka ano nang nangyayari sa kanya.
Bret: I’m worried too. Baka ano na nangyari sa kanya. Hindi naman siya ganito eh.  I know he can’t stand it, without communication to those people he love, especially you Devon. He loves you very much.

                May pumasok sa class room nila, it’s Yen. Isa sa mga taong nag-aalala kay Ivan. Nami-miss na rin niya ang lalaking lihim na minamahal.

Yen: Hi guys. Good morning. (umupo sa tabi ni Devon)
Devon, Bret, Frtezie: Morning din.
Yen: What about the sad atmosphere?
Bret: We just miss Ivan, especially her. (sabay tingin kay Devon na sa kasalukuyan ay nakatulala)

Yen: I miss him so much too. Kailan ka ba babalik Ivan? I might be jolly and all but I’m really sad not having you around.

Yen: I miss him too. Still no news? (baling niya kay Bret)
Bret: Wala pa eh.

                May pumasok sa silid nila. It’s James.

James: Guys, galling ako ng faculty. Nag-absent pala si Sir Sid kaya wala tayong pasok ngayon. Alam na rin ng mga kaklase natin ang balita. Oh, ba’t ang lungkot niyo? Ba’t maga yang mga mata mo Partner? (pansin niya nang makalapit sa mga kaibigan)
Bret: Wala, na-miss lang namin si Ivan.
James: That reminds me. It’s been a week and he didn’t show up.
Devon: Nasaan na kaya siya? Nag-aalala na talaga ako sa kanya. I miss his smile, his sweetness, yung mga lambing niya. Alam niyo naman diba na mahal ko siya? Bakit niya nagawa sa akin toh? Sa atin..

                “Sino’ng niloko mo?”

                Bigla silang napalingon sa may pintuan kung saan nakatayo ang nagmamay-ari ng boses. Matalim na tumititig kay Devon.

Bret: Patrick? Ano bang pinagsasasabi mo? (napatayo siya sa kinauupuan)
Patrick: I don’t believe that that girl really cares for my cousin. She doesn’t love Ivan. Napilitan lang siyang sagutin ang pinsan ko.

                Biglang nanigas si Devon. Naalala niya nang mag-usap sila ni Sam noon. Nung magpang-abot sila sa restaurant malapit sa Gems University. 
Hindi kaya narinig niya talaga ang usapan namin ni Sam?”

“Remember the day that we met at a restaurant accidentally?”

May nagsalita na naman sa likod ni Patrick.

Fretzie: Tricia? What are you talking about?
James: Yeah, can you tell us straight to the point?
Patrick: Narinig namin ang usapan nila ni Sam.

                Napatayo si Devon, tinitigan si Patrick at Tricia.

Tricia: Hoy Devon! Hindi ka naman siguro magmamaka-awa sa amin diba? Kasi, hindi kami madadaan sa ganyan.
Devon: Pat, Tricia, please, let me explain.
Patrick: Explain? What are you going to explain? Explain to us kung bakit mo niloko ang pinsan ko? Explain to us kung bakit nagpanggap ka na mahal mo si Ivan? (galit na galit niyang sabi)
Yen: Teka, teka, teka. Ano bang pinagsasasabi mo? (palingon-lingon sa kanila)
Bret: Devon, you can’t just let them talk to you like that! (iritado niyang sabi)

                Nagsimula nang tumulo ang mga luha ni Devon. Inaalo siya nina Fretzie at Yen.

Devon: Yeah Fretz, Bret, Yen, James, I just pretended that I love Ivan, but the truth is, I only treat and love him as my brother. But please believe me, I really love him. (iyak pa rin siya ng iyak)
Patrick: See? The culprit spilled it. (sabay pakawala ng pagak na tawa)

                Gulat na gulat ang apat dahil sa sinabi ni Devon. Hiindi na sila nagsalita pa.

James: What?! You treat her only as a brother? I’m happy to know that but why did you lie?
Yen: Ha?! Kawawa naman ang Ivan ko. Pero hindi ko magawang magalit sa babaeng mahal ng lalaking mahal na mahal ko.

Devon: I’m so sorry. Hindi ko sinasadya. (umiiyak pa rin)
Tricia: Are you sure hindi mo sinasadya? Parang gustung-gusto mo pa ngang nakikitang nasasaktan si Ivan eh. (mataray niyang sabi)
James: Tricia! If you have nothing good to say then shut up!

                Humalukipkip naman si Tricia sa likod ni Patrick, tila natakot sa boses ni James.

Bret: Calm down dude. (tinapik si James sa balikat)
Devon: Pat, believe me, I didn’t mean to lie to him. Ginawa ko lang iyon para--(pinutol ni Patrick ang sasabihin niya sana)
Patrick: Come on Devon. He suffered a lot. At ngayon, mas lalo siyang nahihirapan dahil sayo! Nahihirapan siya dahil nag-aalala siya sayo kung mawawala na siya!
Devon: Anong sabi mo? Mawawala? Si Ivan mawawala? Bakit siya mawawala? Hindi niya ako kayang iwan. (naghihisterya na si Devon, wala siyang ideya sa pinagsasasabi ni Patrick)

                Pati sina Yen, James, Fretzie at Bret ay nanatiling tahimik dahil gulat na gulat pa sila sa usapan ng dalawa.

Patrick: Ivan is dying! At kahit malapit na siyang mamatay, ikaw pa rin iniisip niya! Mas lalo mo lang siyang pinapahirapan! Alam mo, mawala ka na sana sa buhay niya! (pagkatapos sabihin iyon ay lumabas na ito ng silid at mabilis na naglakad)
Tricia: Kung ako sayo Devon, lumayo ka na kay Ivan. Don’t worry, I’ll take your place. (she smiled wickedly at sumunod na rin kay Patrick)

                Pabagsak na napa-upo si Devon sa silya. Hindi niya mapigilan ang pagtulo ng mga luha niya. Hindi niya kayang paniwalaan ang mga sinabi ni Patrick. Inalo naman siya ng mga kaibigan niya.

Yen: Devs, you owe us an explanation. (kahit kaibigan niya pa si Devon, may konting galit siyang nadama nang malaman na niloko lang pala ng kaibigan ang lalaking pinakamamahal niya pero binalewala niya ang nararamdaman dahil kahit ano pa man, kaibigan niya pa rin ito)
Fretzie: Devs, ba’t mo nagawa kay Ivan toh?
Bret: We will listen when you’re ready to talk about it.
Devon: I think now is the right time to talk about this. Please let me explain. (umiiyak pa rin siya)
James: Makikinig kami.

                Sinalaysay ni devon ang mga detalye nung araw na nag-usap sila ni Sam, pati ang kasunduan nila ay sinabi rin niya. Gulat man ang mga kaibigan ay hindi naman nila sinumbatan ang dalaga. Pinaniwalaan nila si Devon, alma nilang hindi ito gagawa ng bagay na ikasasama sa pagkakaibigan nila.

Fretzie: Shh..shh.. Tahan na Devs. (alo niya sa dalaga)
Bret: Oo nga. Wala na rin naman na tayong mababago kahit buong araw tayo umiyak eh.
Devon: I know. Nalulungkot lang talaga ako dahil sa nalaman ko. Napakasama ko! Ang sama-sama ko! (sabay sampal sa sariling mukha)

                Naawat naman siya ni James. Hinawakan nito ang mga kamay niya para hindi niya masaktan ang sarili. Hinahagod naman ng dalawang babae ang likod ni Devon.

James: No, it’s not your fault. Don’t hurt yourself.
Fretzie: Calm down Devs. Huwag mo sisihin ang sarili mo.
Devon: Kasalanan ko naman talaga eh. Nasasaktan siya ng dahil sakin.
Bret: Pero hindi mo rin maikakaila na naging masaya siya dahil nandyan ka sa tabi niya.
Yen: Oo nga Devon. Ikaw lang naman ang babaeng minahal niya ng lubusan. “Oo Devs, ikaw lang. Minsan hinihiling ko na sana ako nalang.”

                Napatigil silang lahat ng tumunog ang cellphone ni Devon.

“Incoming Call… Ivan”
_________________________________________________________________

WM: Super duper SORRY po sa delay. I hope nagustuhan niyo po ang chapter na toh. Pasensya na talaga if hindi masyado maganda. Malapit na po itong matapos. Sana tutukan niyo po ang bawat chapter. Comments are highly appreciated.. =)